51- Past (part 2)

185 10 0
                                    

Naalimpungatan ang natutulog na si Miriana nang maramdaman niyang may pumasok sa kanyang silid. Dahil sa kadiliman, hindi niya agad nakilala ang taong ito. Ngunit sa paglapit nito, pinagmasdan niya ang mukha ng kanyang ama.

"Daddy? Why are you here?" inaantok niyang tanong, nagkusot siya ng kanyang mata dahil sa antok. Madaling araw na kaya nagtataka ito kung bakit siya dinalaw ng kanyang ama.

"Listen to me, Miriana. Tomorrow we will leave in this house, pack some of your important things and make sure your Mom doesn't notice it okay?"

"But why Daddy?"

Magsasalita pa lang ang kanyang ama ng magbukas ang ilaw sa buong kwarto ni Miriana. Parehas silang napalingon sa pinto, kung saan nakatayo doon ang kanyang ina na papalapit na sa kanila.

"At sinong nagsabi na aalis kayo?" nagbabanta niyang tanong pagkalapit niya sa dalawa.

Hinarang ng kanyang asawa ang sarili upang hindi nito makuha si Miriana. "Iuuwi ko si Miriana sa America." Pagmamatigas na sagot nito.

"Walang aalis ng bahay na ito, Miriana halika rito."

Humawak si Miriana sa laylayan ng damit ng kanyang ama upang magtago. Ayaw niyang sumunod sa utos niya dahil sa pagpipilit nito kahapon. Isang masamang panaginip ang karanasang iyon dahil kanya pa ring naaalala ang lahat.

"Miriana!"

"Hayaan mo na lang kaming umalis! Sinasaktan mo lang ang anak natin!"

Sumingkit ang mata nito sa kanyang narinig. Napasinghal din siya bago lumapit pa lalo sa kanila at sapilitang hinila si Miriana palayo rito. Hindi agad nagpahila si Miriana nang humawak siya sa damit ng kanyang ama. Ngunit sa biglaang paghila nito, napabitaw siya kahit na gustuhin niyang sa piling na lamang ng ama nito.

"Hindi ka mahal ng Daddy mo! Kaya dito ka lang!" galita na sigaw niya na nagpaiyak kay Miriana.

"But I want to be with Dad."

Nang tatangkaing agawin ng kanyang ama si Miriana, malakas na suntok ang nakuha nito sa kanyang asawa dahilan upang mapaupo siya sa kama.

"Daddy!"

"Ilayo mo si Miriana rito," malamig na utos ng kanyang ina sa lalaking kakapasok lamang.

"Let me go! No! Daddy! I said let me g--" hindi na natapos ni Miriana ang kanyang sasabihin nang makaramdam siya ng matinding antok dahil sa tinurok nilang pampatulog.

Bago pa man niya maipikit ng tuluyan ang kanyang mata, nakita niya kung paanong naglaban ang kanyang magulang sa sarili nitong silid.

▪▪▪

"No! You killed Dad! You're a demon!"
Takip ni Miriana ang dalawa niyang tenga.

Nang malaman nitong napatay ng sarili niyang ina ang ama nito, matinding galit ang kanyang naramdaman. Hindi niya lubos maisip na magagawa niya ito sa sarili niyang asawa sa kadahilanang gusto lamang nitong mapabuti ang kalagayan ng kanyang anak.

"Miriana, I said open the door!"

Ilang beses na umiling si Miriana. Puro sakit na lamang ang nararamdaman niya sa tuwing kasama nito ang kanyang ina. At mas tumindi pa ito sa pagkawala ng kanyang ama na inaasahan niyang makakatulong sa kanya upang makawala sa hawla na pinagkakakulungan nito.

Para siyang isang prinsesang nakakulong sa madilim na kastilyo, hinihintay ang kanyang prinsipe upang sagipin ito sa taong nagkukulong sa kanya.

Magsimula nang magkamuwang ito sa mundo, tinatak na niya sa kanyang isipan na hindi magiging normal ang buhay niya. Na sa paglaki nito'y wala siyang magagawa kundi ang maging sunod-sunuran sa lahat ng gugustuhin ng kanyang ina.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon