22-The picture

323 20 0
                                    

Mabuti naman ang hangarin nila diba? Hahanapin niya ang taong nawawala, kaya ayos lang na pabilikin ko siya tama? Makikinig naman ba 'yun sa'kin?

"Hindi ko na alam." Napasabunot ako sa buhok ko habang nakikipagtitigan sa papel. "Bakit kasi sinabi niya pang pumapatay ng tao si Tito? Bakit hindi na lang mga pulis ang maghanap doon? Nagmo-move on ang tao tapos papabalikin nila?"

Para akong baliw na kinakausap ang sarili. Nag-iisip kasi ako kung susundin ko ang pakiusap ni Ate. Patagal ng patagal, pagulo rin ng pagulo ang buhay ko.

Kainis naman kasing feelings 'yan Richard, pati ako nadadamay.

Binuksan ko na lang ang laptop para buksan ang gmail, ie-email ko na lang siya. Pagkatapos nito bahala na siya kung babalik ba siya o hindi.

"Ginawa ko na ang pinapagawa mo Ate," bulong ko sa aking sarili.

Pagsara ko ng laptop, napansin ko ang picture na kalakip ng sulat. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba siya dahil hindi ko pa ganoong nakakausap si Castriel. Nag-chat siya sa'kin kanina na may gagawin siya kaya hindi siya makakapunta rito.

I am a bit skeptical about his actions a while ago, but I also want to meet this person.

BZZZT... BZZZT...


+639637*****

Gumagalaw na siya, bilisan mo ang paghahanap sa kalahati ng picture bago mahuli ang lahat. He's after me.

"Totoo ba talaga ang sinasabi ng taong ito?"

▪▪▪

Kumatok ako ng tatlong beses bago buksan ang office ni Castriel. Chinat ko siya kanina na hihintayin ko siya rito sa office pagkatapos ng klase ko.

Pumayag naman siya para raw kahit papaano'y magkita na kami. May panggabi kasi siyang klase ngayon, substitute siya ng professor na may sakit.

Katulad dati, nilapag ko muna ang bag ko sa upuan. Sa pagkakataong ito, dumiretso ako sa malaking bookshelf na malapit lang sa pintuan kung saan ko nakita ang punit na litrato.

"Dito ko lang 'yun nakita."

Isa-isa kong tinignan ang mga libro para masigurong wala akong makakaligtaan. Hindi sa hindi ako nagtitiwala kay Castriel. Kung tutuusin dapat tinatanong ko siya tungkol dito. Pero parang sinasabi ng utak ko na manahimik na lang at patagong alamin kung totoo nga ba ang sinasabi ng taong ito. Dahil kung isang biro lang ito, hindi ako patuloy ite-text ng taong 'yun.

Natigil ako sa paghahanap ng mapunta ang paningin ko sa pinakataas na bahagi. Inaninag ko ang isang libro roon. Kumuha muna ako ng upuan para pagtapakan dahil hindi sapat ang tangkad ko para tignan o abutin 'yon.

Maingat akong tumapak sa upuan para kunin ang libro. Hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko ang dulo ng litrato rito.

Bumaba ako sa upuan dala-dala ang libro, binalik ko muna sa pinagkunan ko ang upuan bago lumapit sa bag ko para ilabas ang kalahating litrato. Nilapag ko ito sa lamesa saka sinunod na kunin ang litratong naka-ipit sa libro. Tinabi ko ito sa natanggap kong litrato.

Halos mapatakip pa ako sa aking bibig ng makita ang kabuuan ng litrato. Tugma ang dalawang litrato na bumuo rito para makita ko ang laman. Natigil lamang ako sa pagtingin dito ng makarinig ako ng yabag sa labas ng office. Mabilis kong kinuha ang litrato pati na rin ang libro na nilagay ko sa loob ng bag.

"Kanina ka pa ba naghihintay?"

Napalunok ako ng marinig ang boses ni Castriel. Huminga pa ako ng ilang beses para pakalmahin ang aking sarili.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon