28-Die together

381 19 0
                                    

Author's POV.


Napahilamos ng mukha si Richard dahil sa dalawang araw na walang balita tungkol sa paghahanap nila rito.

Sa nakalipas na dalawang araw na 'yun, nakaharap lang siya sa malaking screen. Wala pa siyang maayos na tulog at kain. Ngunit dahil sa kanyang ina, kahit papaano'y nakakakain siya paunti-unti.

"Richard, tama na muna 'yan," sulpot na sabi ng ina nitong naglapag ng tray ng niluto niyang pagkain.

Pinasadahan niya lang ito ng tingin bago muling ibalik ang tingin sa computer. "Mamaya na po."

Nagsimula itong mag-type na nagpabuntong hininga sa kanyang ina. Nag-aalala siya sa kalagayan ng kanyang anak, ngunit mas nag-aalala siya sa sinasapit ngayon ni Miriana sa kamay ni Castriel.

"Damn it!" malakas na angil ni Richard.

Parang sumusuko na si Richard sa ginagawa niya. Maraming tumatakbo sa utak nito, isa na roon ang isiping baka hindi na niya maabutang buhay pa si Miriana.

"M-mom... b-buhay pa naman siya d-diba?" garalgal nitong tanong.

Yumakap ang ina nito sa kanya para patahanin. "Oo naman. You know Miriana, she's a brave woman," pagpapalakas niya ng loob kahit maski siya'y iyon na ang tinatanong niya sa kanyang isipan.

Sanay na siya sa ganitong sitwasyon dahil noon, naranasan na niyang makuha ng ibang tao dahil sa koneksyon niya sa ngayong asawa na nito.

"H-hindi ko alam ang g-gagawin ko kapag may n-nangyaring masama sa k-kanya."

Umiling ang kanyang ina. "Don't say that, babalik siya sa atin na maayos. Naniniwala ako sa kanya."

Tuluyan ng naiyak si Richard sa pagsukong nararamdaman niya ngayon. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pag-iwan na ginawa nito sa kanya.

Masyado siyang mahina para kay Miriana. Mas mahina pa kaysa sa unang babaeng pumasok sa kanyang buhay.

(Remi's side)

Kasama ng ilang tauhan ng kanilang pamilya, bumalik si Remi sa bahay ni Castriel. May kutob siya ritong baka may makuha siyang impormasyon o clue na maaring makapagturo kung nasaan silang dalawa.

"Ilang beses ka ng pumunta rito," sabi ni Septimus na nakasunod sa kanya.

Dalawang araw matapos maibalita sa buong Pilipinas ang tungkol sa krimeng ginawa ni Castriel, lumipad pabalik sa Pilipinas si Septimus para sana makibalita. Ngunit hindi niya inaasahang pagpunta niya rito'y makikita niya si Remi na talaga nga namang ikinatuwa niya ng husto.

"Tumahimik ka na lang kung ayaw mong tahiin ko 'yang bibig mo."

Naitikom ni Septimus ang kanyang bibig sa banta ni Remi sa kanya. Naglakad siya pasunod dito dahil ngayon ay nasa tunnel silang dalawa.

Hindi siya mahilig sa mga maputik na daan o kahit na anong may lupa. Ngunit para kay Remi, tinitiis niya ang paglakad sa putikang lupang nandito sa tunnel.

"Ano ba?! 'Wag mo nga akong hawakan!" galit na sigaw ni Remi nang mapayakap sa kanya si Septimus na may nadaanang nagpatapilok sa kanya.

"Sorry. May nadaanan lang. Hindi ko naman sinasadya, eh," nakabusangot niyang tugon na ikinairap lang nito.

Tinulak niya pa si Septimus kaya nahagip ng mata niya ang isang bakal sa ilalim ng lupa. "Tabi," pagtataboy nito na sinunod ng binata.

Gamit ng flashlight na dala niya, inilawan niya ang parteng iyon kung saan nakita niya ang bakal. Dahil sa pag-ulan kagabi, nabawasan ang lupang tumatakip sa pinto papunta sa kwarto kaya ngayon ay mabilis itong nakita ni Remi.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon