44- She heard it

247 10 0
                                    

Richard's POV.


Pinapanood ko si Miriana habang siya'y may ginagawa, may mali sa kanya pero hindi ko lang alam kung ano.

"Ano sa tingin mo?" tanong niya sa'kin. Nakangiti siya na parang walang nangyari kagabi. Ngunit kahit ganun, iba ang sinasabi ng mata niya.

"Maganda naman," sagot ko na nagpatawa sa kanya.

Kung dati'y natutuwa ako sa pagtawa niya, ngayon parang mas gusto ko pang makita ang totoong emosyong tinatago nito.

"Richard ayos ka lang ba?" tanong niya nang mapansin na pinagmamasdan ko lang siya.

Tinigil niya ang kanyang ginagawa para lapitan ako. Hinawakan niya rin ang dalawa kong pisngi para paglapitin ang mukha naming dalawa. "Anong iniisip mo?" nakangiti nitong tanong.

Inalis ko ang kamay niya bago ito hilain paupo sa upuang nasa harapan ko. Nawala kaunti ang ngiti nito ngunit agad ding bumalik.

"Sabihin mo sa'kin ang nangyari kagabi."

Tinitigan niya ako, hinahanap ang maaaring sagot sa sarili kong katanungan. O kung katanungan ba talaga ang aking sinabi.

"Alam kong alam mo ang sagot sa mga tanong mo." Nawala ng tuluyan ang ngiti niya, napalitan din ito ng pagkawala ng kanyang emosyon.

"Miriana, gusto kong malaman ang nangyari para maprotektahan kita."

Sumilay ang ngisi sa kanyang labi na nagparamdam ng kaba sa akin. "Ah... kaya nagsinungaling kayo," makahulugan niyang sagot.

Nagsinungaling? Bumalik na ba ang ala-ala niya?

Hinanap ng mata ko ang sagot sa mata nito ngunit hindi ko ito gaanong mabasa.

"I'm quite disappointed, but I can't be mad at you. Because I don't know the reason on why you have to do that. I listened to the entire conversation between you and my mother until the beginning."

Nagulat man ako sa sinabi nito, hindi ko ito agad pinakita.

"Kaya sabihin mo Richard, anong dahilan? At 'yung lalaking nagngangalang Castriel, sino siya? Bakit sinabi niyang may pinagsamahan kami? Ano bang ala-ala ang mga nawala sa'kin para patayin niya ako kagabi? Alam kong may galit siya sa'kin dahil anak ako ni Mrs. Berkshire, pero hindi 'yun sapat para patunayang 'yun lang ang dahilan," dagdag niyang sabi na nagpatahimik sa'kin.

"Masyadong magulo para malaman mo ngayon ang lahat." Tumayo ako sa pagkakaupo ngunit agad niya akong pinigilan sa paghila niya ng aking kamay.

"Kung wala akong makuhang sagot mula sa'yo. Ibig sabihin lang nun kukunin ko ang tulong na binibigay ni Mrs. Berkshire."

"Huwag!" agaran kong sagot.

Tumitig siya sa mga mata ko, mga titig na natatakot akong tignan. Para bang nawawalan na siya ng tiwala sa'kin ngunit pinipilit niya pa ring maniwala.

I'm sorry Miriana.

"Just trust me on this Miriana, please."

Umiling siya at natawa ng mapait. "Gusto ko Richard, gustong gusto. Pero lagi na lang ako nagdadalawang isip sa tuwing nagsisinungaling ka sa'kin. But don't worry, I'll keep my promise. I won't leave you... for now." Tumayo siya na agad kong pinigilan.

"Please, Miriana 'wag naman ganito."

Ayoko ng ganito. Ayokong mawala siya paunti-unti ng ganito na lang. Hinila ko siya payakap sa'kin ngunit hindi niya ako sinuklian ng yakap pabalik. Hindi ko rin ramdam ang presensya niya kahit na ang lapit-lapit namin sa isa't isa.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon