12-Bye for now

576 15 0
                                    

"'Yan... 'yan kasi."

Sinamaan ko ng tingin si Dale. "Tumahimik ka diyan," inis kong sabi.

I can't concentrate after what happened.

Kailangan niya ba talagang gawin 'yun? Kailangan niya ba talagang umalis?

F L A S H B A C K


"That is why I will answer no.
No, Miriana, I have no feelings for you. Because I don't want you to distance yourself from me if I say yes. I don't want to lose the Miriana I knew for a long time ago."

I knew it! He won't act like that if he doesn't feel anything for me. Dahil kilalang kilala ko siya, kilalang kilala.

Oo bisexual siya at minsan naa-attract sa mga lalaki, pero mas lamang pa rin ang chances na mahulog siya sa isang babae. Hindi ako manhid, sadyang gusto ko lang marinig mula sa kanya.

"Since when?" Seryoso ko siyang tinignan. Bumalot sa mukha niya ang kaba at parang alam na niya kung saan papatungo ang usapang ito.

"Miriana I already said no, kaya bumalik na tay--"

"Answer my question Richard, since when?" putol kong tanong.

Bumagsak sa ere ang kanyang kamay kasunod ng pagbaba ng balikat nito. Hindi ko rin naman gusto ang nangyayari.

Mahaba siyang napabuntong hininga. "Two... no... four years. Sa loob ng apat na taon na 'yun sinubukan ko. Sinubukan kong alisin sa sarili ko ang nararamdaman ko para sa'yo. But I failed and now you're looking at me like we don't know each other. Miriana I'm scared just by seeing your reactions. Kaya please... bumalik na tayo at kalimutan na nangyari ito."

Umiling ako.

Paano pa kami babalik sa dati kung sa tuwing makikita ko siya alam kong masasaktan ko lang siya?

I don't want to hurt him, I don't want to hurt anyone because I feel selfish if I do that.

"Kahit na sabihin nating kalimutan ko ang gabing ito, hindi nun mababago ang nararamdaman mo Richard. Masasaktan at masasaktan pa rin kita, ayoko-"

"I don't care. Wala akong pakialam kung masaktan mo ako. I'll take it, all of it kaya bumalik na tayo."

"No!" pagtataas ko ng boses dahil nagiging martyr na siya ngayon.

Hindi sa lahat ng oras kailangan niyang magpaka-tanga, dahil 'yun ang nagiging sanhi ng pagbabago ng isang tao. At ayokong makita ulit ang Richard na matagal naka-recover matapos ng break-up niya sa kanyang ex.

Napasuklay ako sa buhok dahil sa inis.

I don't know what to do, because the only thing I know is to distance myself from him. Para kahit papaano ay hindi ako makaramdam ng guilt sa tuwing titignan ko siya sa mata.

Paano ba kami napunta sa sitwasyong ito? Parang ilang araw lang ayos pa kami. Mali bang inuna ko ang inis ko nung isang araw?

Kung hindi ko ba siya nasabihan ng masasakit na salita, kung hindi ko ba siya tinulak... hindi ba kami aabot sa puntong ito? Kung hindi ba ako umiyak sa harapan niya, hindi kaya siya aamin?

I don't want to lose our friendship. But I also don't want to see him miserable every time I'm with Castriel.

Richard is my special friend at ayokong itapon ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa nararamdaman niya.

Tinitigan ko siya sa mata. "Hindi magiging madali ang lahat."

Napabuntong hininga siya sa sinabi ko. Iniwas ko ang aking tingin ng makitang talong-talo siya.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon