17-Night swimming

437 17 0
                                    

Napamulat ako ng maramdamang parang may nakatingin sa akin. Hindi naman ako nagkamali dahil pagmulat ko pa lang, mukha na ni Castriel ang una kong nakita. Nakatitig lang siya sa'kin habang nakangiti.

"Anong oras na?" inaantok kong tanong.

Gaano ba ako katagal na nakatulog?

Paglingon ko sa veranda, nagulat ako ng makitang madilim na. Grabe Miriana, tulog mantika ka talaga.

"Hmm... around 7 pm."

Pagbalik ko ng tingin ko sa kanya, nakatitig pa rin siya na ikinailang ko kaunti. Nakahiga kaming dalawa sa kama pero siya ay nakagilid habang nakasandal sa kamay niya.

Umupo ako mula sa pagkakahiga pero nanatili pa rin siya, sinusundan niya lang ako ng tingin.

"Bakit hindi mo ako ginising?"

Imbis na sagutin, hinila niya ako pahiga saka mabilis na niyakap. Siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko na nagpakaba sa'kin ng husto. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya rito na tumatama sa aking balat.

"Castriel..." tawag ko rito pero mas humigpit lang ang yakap niya.

"Just a minute," bulong nito.

Hinayaan ko na lang siya, niyakap ko siya pabalik kaya nanatili kaming nakahiga lang sa kama. Tahimik sa buong paligid, ewan ko ba pero parang inaantok ako ulit.

"Do you want to go swimming?" pambabasag niya ng katahimikan.
Humiwalay na rin siya kaya ngayon ay nakikita ko na ang mukha niya.

"Night swimming?"

Agad siyang tumango. Wala namang masama dahil tinulugan ko siya habang gumagawa ng resume.

"Sige," pagsang-ayon ko.

Mabilis niya akong hinalikan sa labi bago bumangon. Naiwan akong nakahiga dahil sa isang halik niyang 'yun nagulat na naman ako.

"I'll wait for you in the pool."

Hindi na niya ako hinintay pang makasagot. Nauna na itong lumabas ng kwarto kaya bumangon na rin ako. Dumiretso ako sa closet para magtingin ng isusuot.

Unang pumukaw ng paningin ko ay ang yellow two piece at ang black see through swimming cover up na katabi lang nito.

Hindi na ako nagtingin pa ng iba at ito na ang una kong kinuha. Dumiretso ako sa banyo para magpalit bago lumabas papunta sa private pool sa villa na aming pinagtutuluyan.

Pagdating ko, napalunok ako ng makita si Castriel na nakaupo sa gilid ng pool. Umiinom ito ng alak na nasa isang glass na hawak niya, nakatingin siya sa malayo na parang may iniisip.

Nginitian ko muna ang chef na nasa gilid at nagluluto. May mahabang mesa sa gilid niya na puno ng pagkain.

Hindi naman halatang dalawa lang kaming kakain niyan noh? Paano namin uubusin 'yan?

Napailing ako sa aking naisip, lumapit ako sa pinaguupuan niya. Hindi pa man ako nakakalapit ng lumingon siya sa direksyon ko na nagpakaba sa akin ng kaunti.

Malalim ang paraan ng pagtingin niya kaya nakailang lunok pa ako. Kahit kinakabahan, umupo ako sa tabi niya saka kinuha ang glass na hawak nito.

Uminom ako rito habang nakatitig sa kanya. Kita ko ang paglunok na ginawa niya na nagpagana sa'kin para ubusin ng isang inuman lang ang laman ng glass.

"Anong iniisip mo?" una kong sabi pagbaba ko ng baso sa gilid.

"Ikaw," mabilis niyang sagot na nagpatigil sa'kin sa paglingon sa kanya.

Napangiti ako pero inalis ko 'yun saka siya seryosong tinignan. Kusang bumaba ang mata ko sa kanyang labi na may pagkabasa pa, marahil sa pag-inom niya ng kakaubos ko lang. Bago pa man ako maakit ng kanyang labi, umiwas na ako ng tingin. Masyadong mainit.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon