26-He's back to save her

342 19 0
                                    

Richard Lewis POV.

Napasuklay ako sa buhok ko ng hindi man lang sagutin ni Miriana ang aking tawag. "Bakit hindi niyo siya binantayan?" irita kong tanong habang patuloy siyang tinatawagan.

"Malay ba naming matigas ang ulo niya. Tiyaka 'wag mo nga kaming sisihin! Ang hirap niya kayang patulugin."

Isang masamang tingin ang pinukol ko kay Remi. She's my older sister but she always act like a little one. Kaya hindi ko siya tinatawag na Ate dahil nakakarindi ang mga kilos na ginagawa niya. Hindi ko alam kung paano ito natitiis ni Septimus.

"The number you are calling is out of coverage area, please--"

Napahawak ako nang maigi sa phone ko.

Where are you Miriana?

"Saan ka pupunta?"

"Kay dad."

Siya na lang ang makakatulong sa'kin ngayon. Umalis ako para pakawalan ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang tanga ko lang dahil hindi ko man lang naisip na alamin muna kung ano ang totoong ugali ng lalaking 'yon.

He seems nice kaya hindi ko naisip na ipa-background check dahil baka magalit lang sa'kin si Miriana. Ayokong magalit siya sa'kin kaya nagparaya ako para sumaya siya.

But damn... I'm wrong.

"Sasama ako! Dale dito ka lang tawagan mo kami pagbumalik siya."

"Who are you?" kunot noo kong tanong nang pagbukas ko ng pinto'y bumungad sa'kin ang isang babaeng balot ang mukha.

Imbis na sagutin ang tanong ko, tinulak ako nito pabalik sa loob bago isara ang pinto.

"Akal--oh! Mavi?" sabi ni Remi pag-alis ng babae ang takip nito sa mukha.

Mavi? 'Yung pinapahanap sa'kin ni Dad? Mukhang hindi ko na siya kailangan pang hanapin.

"Miriana is in danger."

Simple lang ang sinabi nito pero matinding kaba ang bumalot sa buo kong sistema sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" sagot ni Remi na ngayo'y seryoso ang pagkakatanong.

"Nasa bahay siya ngayon ni Castriel, kailangan niyo siyang puntahan bago pa man kayo mahuli. Papatayin niya ito."

"Anong alam mo?" agad kong tanong.

"Castriel Ybañez is the Riel Berkshire that the US police are finding so far. He killed many women and one of America's most wanted serial killers and drug dealers. He's also the one who killed my sister, that's why I'm hiding because he's after me," panimula niyang sabi na seryosong nakatingin sa amin. "Wala akong magawa para humingi ng tulong dahil sa tuwing babalakin ko, may mga taong susunod sa'kin. Parang pinaglalaruan niya lang ako kaya napagdesisyunan kong magpakalayo layo para hindi madamay ang pamilya ko. Not until I saw him with another woman, I'm afraid he might kill her, so I did my best to warn her but she didn't listen."

"That mother fucker," mura ni Remi na mukhang may alam.

Lumingon ako rito para tignan siya ng may pagtatanong na tingin.

"Naging pasyente siya ni Septimus dahil baliw ang taong 'yun, marami rin siyang pinatay sa hospital para makatakas. Kaya pala parang may mali sa mukha niya ng sapakin ko ito. It feels fake, but I didn't care because of my anger towards him. Siya rin ang pinapahanap sa'kin ni Dad. Kung alam ko lang, edi sana, shit," galit nitong sabi.

The most wanted killer?

"Remi, sabihan mo si Dad tungkol dito. Kung kinakailangang tawagin lahat ng mga tauhan ng organisasyon tawagin mo. Wala akong pakialam kung mahuli nila ito ng walang buhay. Dahil paniguradong sa kamay ko siya mamamatay. Ikaw... dalhin mo ako sa sinasabi mong bahay."

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon