13-Can I?

573 19 0
                                    

It's been days since Richard left. Tinawagan ko si Tita para tanungin kung saang bansa siya pumunta pero maski siya hindi niya alam.

Matapos niyang lumipad papunta sa Canada, nag-book na naman siya papunta sa iba pang bansa. At kung saan 'yun? 'Yun ang hindi ko alam.

Tinanong ako ni Tita kung anong dahilan ng pag-aaway namin pero hindi ko masabi dahil ayokong isipin niya pa ito.

I feel bad but this is all I can do for now. Siguro hindi ko na lang muna iisipin at itutuon ko na lang ang aking pansin sa pag-aaral. May ilang weeks na lang na natitira bago ang OJT, I can't mess that up. Graduating na rin ako kaya kailangan kong magseryoso.

"Miriana..." tawag sa'kin ni Dale na nasa tabi ko lang.

May quiz kasi kami ngayon at ang binabae, hindi man lang nag-review. Ewan ko na lang talaga sa kanya kung anong magiging buhay niya pag namatay ang magulang nito. Hindi ko alam kung kaya niyang i-manage lahat ng business nila pag nagkataon.

Hindi ko siya pinansin at tinuloy ang pagsagot. Ilang minuto ang nakakalipas, sinipa niya ng mahina ang paa ko na nagpapikit sa'kin.

"Pakopya, sige na."

Nagmamakaawa siya ngayon sa lagay niyang 'yan. Kasanalan ko? Kasalanan kong hindi siya nag-review?

Umubo ako saglit para lumayo sa kanya. Pahaba ang upuan namin kaya pwede akong lumayo. Buti na lang at wala akong katabi kundi baka akalain pa na nangongopya ako.

"Miria--"

"May problema ba Mr. Cristoval?"

Halos sabay-sabay na napatingin ang mga studyante sa direksyon namin sa tanong na 'yun ng professor sa harap. Saglit kong tinignan si Dale na nakasimangot na ngayon.

"None ma'am," bagot niyang sagot bago yumuko sa hiya.

Sa susunod kasi Dale mag-aral ka na ng maigi.

Natapos ang quiz na hindi nasagutan ni Dale ang iba. Halatang nagtatampo siya pero hindi ko naman pwedeng gawin 'yun. Kailan siya matututo diba?

"Ang damot mo," nakasimangot niyang sabi ng makalabas kami ng room.

Binigay ko sa kanya ang notebook ko na ikinataka niya. "Malapit na ang exam kaya mag-review ka. You can photocopy that tapos ibalik mo sa'kin. Naka-summarize na lahat ng topics d'yan."

"Hmmmp... kahit na ipapahiram mo ito nagtatampo pa rin ako sa'yo."

Natawa ako sa inaakto niya. "Kailangan mong matuto Dale, tara na nagugutom na ako."

Nagpauna na siya dahil gusto nung sinusuyo. Asa pa siyang susuyuin ko, kusa ako nung kakausapin kaya hahayaan ko na lang.

Napahinto ako saglit sa pagsunod kay Dale ng mag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito mula sa loob ng bag para tignan kung sino ang nag-text o chat.

Castriel Ybañez: Meet me in my office after class.

Ano na naman ang sasabihin niya?

"Hoy babae! Tatayo ka na lang ba diyan?!"

Inalis ko ang aking tingin sa phone sa sigaw na 'yun ni Dale. Kahit kailan talaga ang binabaeng ito, walang kahiya hiya sa katawan.

"Oo na!" balik kong sigaw na tinago muli sa bag ang phone.

Kung anong sasabihin niya, makikita ko mamaya.

▪▪▪

Nandoon pa ba siya sa office niya?

Late kasi natapos ang panghuli kong klase dahil sa activity na tinapos namin. Next week kasi wala kaming pasok, isang linggo rin 'yun.

Para siyang sembreak pero sa aming mga graduating lang. Ginagawa ito ng school para makapagpahinga kami at handa na rin sa magiging OJT namin next month.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon