9-Cold stare

830 19 1
                                    

"Ayos ka lang ba?" Pagkukuha ni Castriel ng atensyon ko.

"Ako? Oo naman. Bakit?"

Mukhang hindi siya sang-ayon sa naging sagot ko.

"You can tell me if something is bothering you Miriana. If you're not comfortable in this place we ca--"

"I'm fine, iniisip ko lang ang ibang school works." Kinuha ko ang orange juice na nasa gilid ko at ininom ito para umiwas sa mga tanong niya.

I feel restless because of what happened.

Iniisip ko kung paano ko ngayon ia-approach si Richard, lalo na't hindi ako magaling sa paghingi ng tawad o manuyo ng kaibigan. Nagulat ako sa naging akto niya pero mukhang ako nga talaga ang may kasalanan kung bakit niya 'yun nasabi.

"Miriana..."

Pagtingin ko kay Castriel, may hawak siyang velvet box na inaabot niya sa'kin.

Hindi ko agad kinuha ang box.

"Para saan 'to?" tanong ko.

"Buksan mo para malaman mo ang laman."

Ayoko sanang kunin, pero kinuha ko na lang at dahan-dahang tinignan ang laman.

"Nung bumili ako ng flowers kanina, naisip kong bilhan ka rin. I want to give you a bouquet of flowers but it's common. Kaya pinalagay ko sa isang box para hindi makita ng ibang tao. I also want to say sorry if I disappoint you, gusto ko lang sanang i-surprise ka."

Just like him. But I misunderstood his actions.

"It's beautiful, thank you. I'm not disappointed, I'm just being sensitive."

Hindi ko alam kung narinig niya pero sinara ko ang box bago ilagay sa gilid.

"But you still look down. Kung may problema ka you can always talk to me, remember that." Nilagay niya ang kamay niya sa kamay kong nasa ibabaw ng mesa na nagpa-alis sa'kin kaunti ng guilt.

I think I'm being unfair to Castriel right now, not that I'm cheating or something. Because we don't have that girlfriend and boyfriend relationship in the first place.

And I don't even know our status, but it's not okay to act like this in front of him because of what happened between Richard and me. It's just that... I can't help it.

"Don't mind me, I'll be fine later."

"Are you sure?"

Tumango ako at ngumiti na nagpangiti rin sa kanya.

I don't know how I ended up like this. But just seeing Castiel smile at me makes my whole self calm down and think only of him.

"How about this... after dinner, let's watch a movie before I take you home."

Napaisip ako, may mga requirements pa akong gagawin but maybe watching a movie is not bad for my study routine. Just this night, for me to take away all of my thoughts.

"Sige."

▪▪▪

Napatingin ako sa phone ko ng mag-vibrate ito. Kanina pa chat ng chat sa'kin si Dale dahil magkasama sila ngayon ni Richard with their other friends sa isang bar. Tanong siya ng tanong kung ano raw ang pinag-awayan namin para uminom siya ng marami.

I'm worried dahil ako ang may kasalanan but I think it's a bit childish? I don't know.

Alam kong may kasalanan ako and I admit it. Magmula kanina nag-iisip ako ng pwedeng gawin para mag-sorry sa kanya dahil katulad ng sinabi ko, hindi ako sanay na humihingi ng tawad sa iba.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon