52- Cold eyes

251 9 0
                                    

Author's POV.

Halos mag-iisang linggo na magmula ng umalis sa hospital si Miriana. Sa loob ng mga araw na 'yon, hindi tumigil si Richard upang hanapin ito.

Pumunta na siya kay Mrs. Berkshire dahil siya ang huli nitong kasama na nakita sa cctv ng hospital. Ngunit maski siya'y walang alam kung saan napadpad ang dalaga.

"Anak, magpahinga ka muna," nag-aalalang sabi ng ina ni Richard.

Wala siyang maayos na tulog o di kaya'y pahinga. Ginugugol niya ang kanyang sarili sa paghahanap dito, na maski pagtulog at pagkain ay hindi na niya nahaharap.

"Mamaya na lang po," tugon nito na patuloy sa pagharap sa computer.

Kahit na naiinis na ang ina nito sa kanya, mas pinili na lamang niyang manahimik. Binaba niya ang tray ng pagkain, saka kinuha ang isa pang tray na hindi man lang nagalaw ang pagkaing nakalagay rito.

"Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako."

Tinanguan lang siya ni Richard bago ito umalis ng kwarto.

Malaki ang pinagbago ni Richard sa loob ng isang linggo, pumayat siya dahil sa hindi pagkain. Gulo-gulo ang buhok nito at parang bangkay dahil sa nagsisimulang mangitim na kanyang mata. Hindi siya nakakaramdam ng kahit na anong pagod dahil sa isiping kailangan niyang mahanap ang dalaga.

"Nasaan ka ba Miriana?"

(Sa kabilang banda)

I

nayos ni Miriana ang suot niyang black hat pagbaba niya ng kotse. Kakaiba ang awrang dala nito habang naglalakad papunta sa isang puntod na kanyang gustong puntahan magmula ng makarating siya sa America.

Isa ito sa dahilan kaya hindi pa rin siya nahahanap nila Richard. Patago siyang lumipad papunta rito upang dalawin ang puntod ng lalaki na iniwan na siya.

Yumakap ang hangin sa kanya pagtigil niya sa puntod. Dahan-dahan din itong umupo sa damo bago ibaba ang bulaklak na kanyang dala. Inalis niya pa muna ang suot niyang hat. Pinagmasdan nito ng maigi ang nakaukit na pangalan sa puting lapida.

"Riel..." mahinang tawag niya rito kasabay ng pagdaloy ng kanyang luha palabas sa dalawa nitong mata.

Kumapit siya sa malalagong damo na nakapalibot sa buong puntod. Masakit para sa kanya na makita ang puntod nito sapagkat hindi ito ang inaasahan niyang makikita sa huling pagkakataon.

"I'm s-sorry... I-I-I'm sorry..." pa ulit-ulit nitong sambit.

Lumakas ang simoy ng hangin na animo'y sinasagot siya nito. Kusa siyang napayakap sa sarili hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa panibagong sakit na kanyang nararanasan. Mahirap para sa kanya ito lalo na't ang huli niyang ala-ala kay Riel ay ang pagkakalibing nilang dalawa sa ilalim ng lupa.

Kaya niyang kalimutan 'yon, ngunit ang pagkawala nito ay ang panghabang buhay na niyang hindi makakalimutan kailan man. Hindi niya man aminin, alam niya sa sarili niyang minahal niya si Riel kahit noong bata pa lamang sila.

Nakatatak na sa utak niya ang bawat araw na kasama niya ito. Ang mga ngiti na nagpapangiti sa kanya sa tuwing nagkikita sila. Lahat ng 'yun ay kanyang inaalala, kahit kasama pa sa mga ala-alang 'yon ang ginawa ni Riel sa kanya.

Dahil ngayong bumalik na sa kanya ang lahat, naiintindihan na niya kung bakit naging ganun ang batang lalaking naging dahilan upang siya'y magpatuloy. Nagagalit siya dahil sa pagkuha ng peke niyang ina sa matatamis na ngiti ng batang dapat hindi naranasan ang lupit na kanyang naranasan noon.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon