19-Package

387 17 1
                                    

"Hoy Miriana!"

Lumingon ako sa likuran ko sa sigaw na 'yun. Napailing pa ako ng makita si Dale na may dalang malaking paper bag habang kumakaway kaway. Halata sa mukha niya ang saya, patakbo pa siyang lumapit sa'kin.

"Ghorl! Marami akong kwento sa'yo!" kinikilig niyang sabi. Hinampas niya pa ako sa braso na ikinairap ko.

Alam ko Dale. Alam ko na ang kwento mo.

"Oo na. 'Wag mo na akong hampasin," bagot kong sabi.

"Ay! Bakit ganyan 'yang mukha mo? Parang hindi ka natutuwang makita ako, ah?"

Napabuntong hininga ako. Natutuwa ako kaso wala lang ako sa mood. "Tara na lang, inaantok ako," tanging sagot ko.

Maglalakad na sana ako papasok sa building pero mabilis akong pinigilan ni Dale.  "Here." Pag-aabot niya ng malaking paper bag.

Base sa inaabot niya, mukhang galing pa itong ibang bansa.

"Sa'yo na lang," sabi ko.

"Galing 'yan kay Chard."

Napahinto ako sa paghakbang sa sinabi niya. Bago pa man ako makapagsalita, siya na ang naglagay ng paper bag sa kamay ko.

Tinapik niya ang balikat ko. "Mukhang hindi makatiis ang lalaking 'yun at gustong ipaalam kung saang bansa siya pumunta," bulong nito na nagpakunot ng noo ko.

Tinaas ko ang paper bag na hawak ko at binasa ang brand ng paper bag.

"Italy?"

▪▪▪

Nakatitig lang ako sa paper bag na nasa mesa. Laman nito ang isang mamahaling bag at sapatos.

"Matutunaw na 'yan Miriana," sabi ni Dale na nasa harap ko lang. Umiinom ito ng shake, may ilan din siyang kinakaing pagkain sa mesa dahil daw sa gutom niya kanina sa unang araw ng test namin.

Isa sa dahilan kung bakit nababagot ako ay dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaka-review. Pangalawa, may dalaw ako kaya lahat ng nakikita ko'y nakakairita talaga. At pang huli, dahil sa pinadala ni Richard ngayon.

Aanhin ko ang pinadala niya? Alam niya kung gaano ko kaayaw ang mga ganitong bagay pero binigyan niya pa rin ako.

"Luh... saan ka ngayon pupunta?" tanong nito ng tumayo ako.

Kinuha ko ang bag ko pero iniwan ko ang paper bag. "Diyan sa tabi-tabi."

"Babae! 'Wag mong iwan itong paper bag sa'kin!"

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Sa kanya na kung gusto niya, pero hinding hindi ko 'yun kukunin.

Italy? Gustong ipaalam? Akala ko ba nagmo-move on ang lalaking 'yun?

Dumiretso ako sa open field ng school. Wala masyadong naglalaro rito ngayon kaya dito na lang muna ako magbabasa. May isa pa akong exam mamaya kaya kailangan ko ng katahimikan. Maaraw pero hindi ko ramdam ang init dahil sa simoy ng hangin na napaka-presko sa pakiramdam.

Nilapag ko ang aking bag saka kinuha ang malaki kong notebook kung saan nakasulat ang summarization ng subject na 'yun. Pagkatapos ng exam namin, ibibigay na ng mga professor ang recommendation letter ng mga papasukan naming company para sa OJT.

At syempre, isa na 'yun sa hudyat ng pagsisimula ng job interview para maranasan namin kung paano ma-interview ng mga totoong kumpanya.

BZZZT... BZZZT...


Kinuha ko sa bulsa ko ang phone nang hindi ito tinitignan. Saka ko lang inalis ang tingin sa notebook ko ng titignan ko na ang nag-text o chat.

Castriel Ybañez: I saw you so down a while ago. Are you okay?

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon