5-Drunk

1.1K 36 1
                                    

Tinignan ko ang orasan dito sa loob ng kwarto ko. Naka-recieve kasi ako ng chat mula sa kanya na sinasabing nandoon na siya. Pero kanina pa 'yun, mga around 2 PM, ngayon mag 9 PM na.

"Umalis naman na siya siguro noh?" kagat labi kong bulong.

Bakit ba iniisip ko kung nandoon pa siya? In the first place, wala naman akong balak sumipot kasi wala naman kaming dapat pag-usapan.

Napatingin ako sa phone kong hawak ko lang ng mag-vibrate ito. Ewan ko ba pero mabilis ko itong binuksan at tinignan. "Kainis naman!" inis kong sabi ng mabasa ang chat niya.

Mukhang wala na siya sa mall dahil ngayon nasa bar na siya. Mukha kasing hindi siya ang nag-chat dahil sa pakiusap na natanggap ko mula sa kanya.

Laman kasi nito ang pakiusap na iuwi ko na raw siya kalakip ang picture na nakaubob ang mukha niya sa mesa.

Sino naman kaya ang nangialam ng phone niya?

"Ano namang ginagawa niya roon?" kunot noo kong tanong sa aking sarili.

Malaki na siya para isipin ko pa at isa pa, lalaki siya kaya wala namang mangyayari sa kanyang masama roon.

"Tama... matutulog na lang ako--kainis naman!"

Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama ko at dumiretso sa aparador para kumuha ng jacket. Pagsuot ko nito, pinalitan ko ang suot kong pajama ng jeans saka sinuot ang sapatos ko bago kunin ang wallet, phone at susi ng bahay.

"Bakit kasi ako pa ang chinat niya?" nakasimangot kong sabi.

Nang masiguro kong naka-lock ng maayos ang bahay. Pumara ako agad ng taxi na unang dumaan sa kalsada.

"Sa Eclipse bar po," sabi ko sa taxi driver pagpasok ko pa lang.

Tinanguan naman ako nito at pinaharurot na ang sasakyan papunta roon. Habang nakasakay ako, hindi ko maalis ang tingin ko sa phone na hawak ko. Nakakainis lang kasi nag-aalala ako sa taong hindi naman dapat alalahanin pa.

"Magkano po?" tanong ko nang makarating kami sa labas ng bar.

"145 pesos po."

Naglabas ako ng pera mula sa wallet ko at inabot ito sa kanya. "Ahmm... manong pwede po bang pakihintay ako saglit dito? Kukunin ko lang po sa loob ang kaibigan ko," pakiusap ko na sinang-ayunan naman niya agad.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis akong lumabas ng taxi at pumasok sa loob.

Pagpasok ko pa lang, hinanap na ng mata ko kung nasaan siya. Ilang lakad pa ang ginawa ko bago nahagip ng mata ko ang isang table kung saan may nakaupo roong isang lalaki.

"Excuse," sabi ko habang dinadaanan ang mga taong pasali-sali sa daan.

Pagdating ko sa mesa niya, sinilip ko ang itsura nito. Pulang pula ang pisngi niya habang nakapikit.

"Ilang bote ba ang ininom nito?" bulong ko.

"Kayo po ba si Ms. Miriana?" biglang sabi ng kung sino na ikinalingon ko sa kaliwa ko. Nakita ko ang isang waiter na may hawak-hawak na tray.

"Ah... oo. Ikaw ba ang nag-chat sa'kin gamit ng account niya?"

"Opo ma'am kayo lang po kasi ang paulit-ulit niyang tinatawag kaya kayo po ang kinontak ko."

"Ah... ganun ba? Sige salamat. Pwede mo ba akong tulungang ilabas siya rito?"

"Oo naman po sandali lang po."

Umalis siya sa harapan ko dahil mukhang ibibigay niya ang laman ng tray na hawak-hawak niya. At kung saan? 'Yun ang hindi ko na alam.

"Sir Castriel..." tawag ko rito na tinapik tapik siya ng mahina sa pisngi niya. Pero kahit anong tapik at tawag ko rito, mahimbing siyang natutulog.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon