35- Marriage Proposal

322 13 0
                                    

Paggising ko, wala na sa tabi ko si Richard. Hindi ko alam kung saan siya pumunta pero nag-iwan siya ng note sa side table na nagsasabing baka raw gabihin siya dahil sa utos ni Tito. Wala sa'kin 'yun dahil sa kanya nakasalalay ang mga business nila kung sakali.

"Mas maigi kung mapupuntahan natin mismo ang lugar," sabi ko kay Dale na nandito ngayon sa penthouse.

Katulad ng inaasahan ko, pumunta siya rito para sabihing ituloy ko ang partnership namin sa pub na sisimulan. Kahit na naiinis daw siya sa pagbenta ko sa kanya dun sa Aurora.

Parang may komisyon akong nakuha sa term na ginamit niya. Pwede naman, sabihin ko kay Tita na ako ang nagbenta sa anak niya para magka-asawa siya ng babae. Baka hindi inaasahang pasalamat ang matanggap ko kung sakaling mangyaring mahulog ito roon sa cousin ni Richard.

"Sige, kontakin ko na lang ang namamahala sa building. Tapos magpapa-schedule tayo kung kailan pwedeng tignan."

Maganda ang spot na napili naming pagsisimulan ng pub. Nasa gitna siya mismo ng mga kilalang establishments at malapit sa isang university. Hindi rin ito natatakpan dahil halos malapit lapit lang siya sa kalye kung saan maraming taong dumadaan.

Exclusive ang building na ito dahil maraming gustong kumuha lalo na't madali siyang maka-attract ng customers. Ang kaso, masyadong mahal ang rent kung hindi kayang bilhin ang building.

At kung bibilhin mo naman ito, mas doble ang presyo. Swerte lang namin dahil si Richard na mismo ang nag-offer na bumili nito. Meaning... siya ang may malaking investment sa business.

"What if palaguin muna natin ang pub? Let's see if we can double the profit we can make for a month. Nang sa ganun ay madali na lang nating makumbinsi ang mga possible investors. After all, kailangan nila ng proof na worth it talaga ang pag-iinvestan nila bago tayo magtayo ng iba't ibang branch ng pub. We need to make it more appealing to them para sila na mismo ang lumapit," paliwanag ko.

"Ikaw ang bahala, may tiwala naman ako sa isang Mrs. Lewis."

Umabot na sa kanya ang balita dahil kay Tita. Halos sabihin niya ata sa lahat ang kasalang magaganap sa'min ni Richard.

She even volunteered to help me choose the best for the wedding. Masyado siyang excited sa wedding gown na isusuot ko. Sa totoo lang, hindi pa namin napapag-usapan ni Richard kung kailan ang date ng wedding na gusto namin. Sadyang si Tita lang ang excited sa paghahanda.

"Ang kailangan na lang nating gawin ay i-finalize ang lahat, kasama na roon ang name ng pub. After that, we can proceed to the next step." Inabot ko sa kanya ang edited proposal na naayos ko na kagabi.

Bukod kasi kay Richard, gustong makisali ni Mavi sa pagbuo ng pub. Advantage na namin 'yun dahil may coffee shop siya. Meaning... may experience na siya sa pagpapalago ng business.

"Grabe! Nakakapagod pala ito!" sigaw niya na nag-inat pa bago humiga sa napakahabang sofa.

Napasandal naman ako sa upuan dahil inaantok ako kakaharap sa laptop. Pinagalitan pa nga ako ni Richard kasi masyado kong binababad ang sarili ko sa trabaho. Baka raw ikasira ng mata ko ang tuloy-tuloy kong pagla-laptop.

"Gusto mong pumunta sa parlor?" Suggestion ni Dale.

"Pass. Ikaw na lang, gusto kong matulog," nakapikit kong sagot.

Naramdaman ko ang paggalaw niya kasunod ng pagyugyog nito sa'kin.

"A-ano ba Dale, inaantok ako."

Pagmulat ko, nakasimangot siyang tumingin sa akin. "Sige na Miriana. Kailangan ko ng magpagupit, samahan mo ako."

Umiling ako't tumayo. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya gusto kong matulog ngayon.

"Miriana naman, eh!" maktol niya pero hindi ko ito pinansin.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon