23-Meet up

296 16 0
                                    

"Sabihin mo sa'kin ang nangyari Miriana," seryosong utos ni Ate Remi.

Nakaupo lang ako habang ginagamot niya ang paa ko. Nandito ako ngayon sa condo niya dahil nakiusap akong huwag iuwi sa bahay. Alam kong pupunta at pupunta roon si Castriel. Maraming tumatakbo sa utak ko ngayon at sarado ito para sa mga tanong.

"Miriana."

Tumigil siya sa paggagamot nito para tignan ako.

"May natapakan lang ako."

Tumaas ang kilay nito. "Huwag mo akong lokohin, namumutla ka kanina at puno ng takot ang mukha mo. Hindi ka rin tanga para maglakad ng walang suot na sapatos habang dumudugo ang paa mo."

"Please Ate... 'wag mo muna akong tanungin." Pumikit na lang ako para iwasan siya at ang mga tanong nito. Nangangati na akong makita ang taong nasa likod ng text na 'yun.

"Napaka-tigas ng ulo, parehas talaga kayo ni little brother."

Naramdaman kong tinuloy na niya ang panggagamot sa paa ko na inabot lang ng ilang sandali.

"Siya, magpahinga ka diyan. Gagawan kita ng makakain."

Narinig ko ang paglayo nito kaya nagmulat na ako ng mata. Nilapit ko ang bag kong nasa gilid ko lang saka mabilis na nilabas ang phone ko.

Replying to... +639637*****

Nahanap ko na ang kalahati ng picture. Kailan tayo magkikita? Marami akong tanong tungkol dito.

BZZZZT... BZZZZT...


+639637*****

Pwede ka ba ngayon?

Tinignan ko si Ate Remi na nasa kusina. Nakatalikod ito sa'kin ngayon kaya napaisip ako. Sinend ko ang address ng condo building nito para siya na mismo ang pumunta sa'kin.

Isa na lang ang kailangan kong gawin... 'yun ay ang makatakas kay Ate.

"Damn... bakit ngayon pa nawalan ng asin dito?" Rinig kong sabi nito habang nakapameywang. "Dito ka lang, bibili lang ako ng asin sa baba."

"Ako na," agarang sagot ko rito na ikinatigil niya sa paglalakad papunta sa isang mesa kung nasan ang bag niya.

"Ni hindi ka nga makalakad ng maayos tapos ikaw ang bibili? 'Wag na, dito ka na lang dudug--"

"Kaya ko Ate, isa pa... kailangan kong alisin lahat ng iniisip ko."

Humalukipkip ito saka matiim akong tinignan. "Aalisin mo lahat ng iniisip mo sa pagbili ng asin?" nanunuya niyang tugon.

Tumayo ako sa pagkakaupo, pinilit ko ring maglakad para makumbinsi ko siya. Tinignan niya lang ang paa ko pero isang irap ang nakuha ko mula sa kanya.

"Ako na ang bibili, dito ka na lang mag-isip. 'Wag kang tumulad sa mga pasyente kong tatanga-tanga."

"Pero..."

Dinala na niya ang bag niya palabas at iniwan akong mag-isa sa condo.

Napabuntong hininga ako. "Sandali..." bulong ko ng ma-realize ang nangyari.

Dumiretso ako sa kwarto ni Ate at kumuha ng hoodie, inalis ko rin ang palda ko't pinalitan ito ng jogging pants. Nang may nakita akong slippers na panglabas, agad ko itong kinuha bago lumabas.

Kinuha ko lang ang litratong nasa bag na nilagay ko sa bulsa ng hoodie. Pagkatapos ay ang phone ko at wallet. Nang masiguro kong dala ko na ang ilang importanteng gamit, lumabas na ako ng unit at dumiretso sa fire exit.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon