50- Past (part 1)

218 10 0
                                    

F L A S H B A C K

Author's POV.

19 years ago...
(Year 2002)


Tumigil ang batang Miriana sa kanyang ginagawa nang dumating ang kanyang ama na may kasamang doktor na laging tumitingin sa kalagayan niya.

"Daddy!" masayang salubong nito na nakangiting sinalubong ng kanyang ama. Binuhat niya ito nang makalapit siya sa kanya, puno ng ngiti si Miriana dahil sa pagdating nito.

"Good afternoon po," magalang na bati rin niya ng makita ang doktor na nginitian siya pabalik.

Mag-iisang taon na rin nang makita niya itong pabalik balik sa kanilang tahanan habang wala ang kanyang ina.

"Daddy, titignan niya po ba ako ulit?"

"Yes, sweetie. 'Wag kang mag-alala, mabilis lang ito. Sige na, sumama ka muna kay doc Villanueva, may gagawin lang si Daddy," sabi nito pagbaba niya kay Miriana.

Kahit na gusto niya pang makasama ang kanyang ama, sinunod niya na ang kanyang sinabi at mahinahong sumama sa doktor kung saan dumiretso sila sa sala. Sa bawat madadaanan nila, may mga bantay na nakakalat upang masiguro ang kaligtasan ng buong pamilya ni Miriana at pati na rin siya mismo.

"Simulan na natin."

▪▪▪

Nagtago si Miriana sa likod ng malaking vase para makinig sa nagiging usapan ng kanyang ama at ng doktor. Base sa nakikita niya, seryoso ang mga ito na nagpapakaba sa kanya ng husto.

Sa murang edad, alam na niya ang ibig sabihin ng mga pag-uusap na nakikita at naririnig niya. Dahil simula nang siya'y magka-isip, tinuruan at nakita na niya ang mga bagay na ang mismong ina nito ang nagturo.

"Hindi namin matukoy ang totoo niyang kalagayan. Sa ngayon, mas maigi kung ilalayo niyo muna siya rito. Mas makakabuti sa kalagayan niya ang makakita ng panibagong lugar. Isa pa, mas maganda kung hindi niya matitikman ang sarili niyang dugo. Dahil nung huli na ginawa namin 'yun muntik na siyang makapatay ng isang nurse."

"Wala bang ibang posibilidad kung bakit ito nangyayari sa kanya?"

Napaisip ang doktor, kilalang kilala ang pamilyang Berkshire sa ilang illegal nilang mga gawain kaya naman may biglang pumasok sa kanyang isip.

"Tinuturuan niyo ba siyang pumatay ng ibang tao?"

Mas sumeryoso ang mukha ng ama ni Miriana sa naging tanong ng doktor. Labag sa loob niyang turuan ng asawa niya na lumaban ang kanyang anak. Ngunit dahil sa mga kalaban nila, wala siyang nagawa kundi ang pumayag. Natatakot siya na baka kapag hindi ito marunong lumaban, kunin itong tiyansa ng kanilang mga kalaban. Ang hindi niya lang inaasahan ay ang pagtuturo nito sa pagpatay ng ibang tao.

"Masyadong mabagal ang teknolohiya ngayon kaya mahirap alamin kung ano ba talaga ang totoo niyang kalagayan. Pero kung tama ang nasa isip ko, baka 'yun ang isang dahilan kung bakit bigla na lang siya nawawalan ng wisyo at nananakit ng ibang tao. Ang isa pang naiisip namin, ay baka defense mechanism niya ito. Kumabaga baka may isang pangyayari na nangyari sa kanya noon kaya niya nagagawa ang mga bagay na 'yon. Maraming posibilidad, ngunit wala pa kaming mabibigay na sagot sa kung panibago ba itong sakit o iba na."

Napasandal si Miriana sa vase, iniisip niya kung bakit ito nangyayari sa kanya. May takot sa utak niya na kung hindi malaman ng mga doktor ang totoo nitong kalagayan, baka isang araw paggising niya may kumuha sa kanya upang obserbahan.

"Salamat, gawin niyo ang lahat para matukoy ang totoong nangyayari sa kanya."

Tumango ang doktor sa sinabi nito bago tumayo. May lumapit na tauhan nila rito upang ihatid palabas ng mansyon ang doktor.

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon