58- She can control it already

262 12 0
                                    

Author's POV.

Hinintay ni Mrs. Berkshire ang pagbaba ni Miriana mula sa loob ng sasakyan. Sa unang pagkakataon ng kanyang buhay ay kinabahan siya sa isang tao. Marahil dahil sa tinging binibigay nito sa kanya, kasama ang pakiramdam na kahit naging masama siyang ina'y tinuring niya itong totoo niyang anak.

"Won't you welcome me?" sabi ng dalaga paglapit niya rito. Nakabukas pa ang dalawa niyang kamay upang sabihing yakapin siya nito na hindi niya ginawa. Kaya naman si Miriana na ang yumakap sa kanya na nagparamdam dito ng lamig at takot.

Nagugulat siya sa presensya ng dalaga na noo'y wala siyang pakialam.

'Her presence... it makes me feel weak.'

Sa isip-isip niya, sa tagal nitong nabubuhay, kahit ang sarili niyang magulang ay hindi siya natakot. Ngunit ngayong bumalik na ang Miriana na inalagaan niya'y matinding takot ang namumutawi sa kanyang kabuuan.

"Mother... why don't you take me to America. To our home, I miss being there. And I missed you too." Pagkahiwalay ni Miriana, ngumiti siya na nagpahina sa dalawang paa ni Mrs. Berkshire.

Nakailang lunok pa siya bago alisin sa kanyang sarili ang takot na kanyang nararamdaman. Alam niyang may plano ito, ngunit hindi niya lamang masabi agad kung ano 'yon.

Tumawa ng mahina si Miriana nang hindi siya sagutin ng ginang. "Looks like you don't want me to be your daughter anymore," nakangising sabi niya na hinawakan pa ang dulo ng buhok nito na nagpalayo agad sa kanya sa dalaga. Mas lumawak ang pagkakangisi nito kaya tumawa siya saglit.

"Ah... because the wedding is called off? Kaya ayaw mo ng bumalik sa America? Sayang... hindi ko maririnig ang kwento mo. But anyways, hindi mo ba papapasukin ang anak mo? How rude of you Mommy, parang wala tayong pinagsamahan."

Pinasadahan niya ang pinto ng mansiyon. Nang huminto ang tingin nito sa lalaking nakatingin sa kanya, lumapit siya rito't kunwaring inalis ang dumi sa suot nitong red suit na naiiba sa lahat ng taong nasa paligid nila.

"Long time no see... I can't wait to see how you will treat me again as my servant." Tatlong beses niyang tinapik ang balikat nito bago tuloy-tuloy na pumasok sa loob.

Inalis nito ang suot niyang coat na tinapon niya sa kung saan, kasunod ng malaking hat, gloves at shades. Lahat ng ito ay agad pinulot ng mga kasambahay ng mansyon.

Sa ginawa niya, doon pa lang nakagalaw si Mrs. Berkshire na pinanood kung paano maglakad ang dalaga pataas sa hagdan upang pumunta sa kanyang kwarto. Hanggang sa mawala ito'y hindi pa rin maalis sa kanya ang kaba at takot.

"What am I going to do with her?" tanong ng lalaking nakasuot ng pulang suit.

Napatikhim si Mrs. Berkshire saka seryoso itong tinignan. "She has a plan, so we have to be careful. Sa ngayon... wala muna tayong gagawin."

▪▪▪

Halos magulat si Mrs. Berkshire nang makita si Miriana na nakaupo sa upuan niya sa opisina nito. May hawak siyang kape na kanyang iniinom habang tinitignan ang mga papeles na nakakalat.

"I'm your only heir, kaya dapat ngayon pa lang malaman ko ng patakbuhin ang mga businesses natin. Right Mom?" Humigop siya sa kape bago ito ibaba sa mesa at ibaba rin ang papeles na kanyang hawak. Pinagtaklop nito ang dalawa niyang kamay saka sinandal sa ibabaw ng mesa upang maging suporta sa baba nitong kanyang ipinatong.

"I don't know about some of our business, but the only thing I know is that you will teach me some things that I needed to know. After all, I am your DAUGHTER." Diniinan niya ang huling salita saka tumayo. Bago siya tuluyang makalayo sa mesa, pasimple niyang tinabig ang basong may lamang kape kaya lahat ng papel na nasa ibabaw nito'y agad na nabasa. 

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon