7-Start

1.1K 31 3
                                    

Miriana's POV.

Binaba ko sa mesa ang niluto kong pagkain pero agad din akong tumalikod dahil pilit kong iniiwas ang aking tingin kay si--I mean Castriel.

"Kumain ka na, may aayusin lang ako," pagdadahilan ko na agad niyang pinigilan.

Hinawakan niya ang aking kanang kamay. "Sabay na tayong kumain, hindi maganda kapag nagpalipas ka ng gutom. Tulungan na lang kita sa aayusin mo after breakfast."

Pilit na ngiti ang binigay ko bago umupo sa kaharap niya lang na upuan.

"Miriana..."

"B-bakit? Hindi masarap?" mabilisan kong sagot na pinaghalong kaba, hiya, inis at kung ano-ano pa.

Ako ang may ari ng bahay pero parang ako ang bisita sa lagay ko ngayon.

"Masarap naman, pero mas masarap 'yung nauna kong umagahan."

Halos iuntog ko na ang sarili ko sa mesa ng ma-realize ko ang aking tanong.

'Hoy malanding Miriana! Umayos ka nga!'

"Nahihiya ka ba dahil sa nangyari?"

"A-ako? Hindi a-ah... kumain ka na lang diyan." Nagsandok ako ng pagkain na nilagay ko sa plato ko. Mas maiging ituon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain.

Tama. Food, landiin mo ako now na!

"Then... bakit hindi ka makatingin sa'kin?"

Inangat ko ang ulo ko sa sinabi niya para sana tignan siya sa mata pero agad ding naalis dahil hindi ko kaya.

Bumabalik lang ng bumabalik sa utak ko ang nangyari kaninang madaling araw. I hate to say this, but nag-iinit ang sarili ko kapag tumititig ako sa kanya.

"Kasi kumakain tayo. Oo. Kumakain tayo." Nagsubo ako ng pagkain para maalis siya sa utak ko.

Makaalis lang siya, magbababad talaga ako sa bathtub mamaya para maalis ang init ng katawan ko.

Kainis ka kasi Miriana! 'Yan! Hayaan mo pa kasi siya!

"Tumingin ka sa'kin Miriana."

Umiling ako sa gusto niya. Pero mukhang hindi siya marunong makiramdam. Siya na mismo ang nag-angat ng ulo ko para makatingin ako sa kanya sa paghawak nito sa aking baba.

"Ayokong makaramdam ka ng discomfort sa'kin kapag kasama mo ako. Kaya sabihin mo, ano ang dapat kong gawin para maging comfortable ka?"

'Alisin mo sa utak ko ang nangyari kanina.'

Hinaplos niya pa ang baba ko na nagpatitig sa'kin ng maigi sa mukha niya. Kung tutuusin I should be smiling and happy dahil ang dating hinahangaan ko ay nandito na ngayon sa'king harapan.

I can tell that he's sweet and caring dahil ramdam ko 'yun sa paraan ng paghalik at haplos niya sa'kin.

To be honest, I'm a little disappointed nung tumigil siya because I'm expecting to lose my virginity like what other guys do and want. After a night full of lust, they will leave the girl like that night didn't even happened.

But then I realized, I should be thankful because I feel respected. And that he's different from other guys out there.

Napabuntong hininga ako. "I don't know. Ako... ako ang may problema. It's just that, I feel embarassed from what happened a while ago."

Sumilay sa labi niya ang usual niyang ngiti na nagpapatili ng maraming kababaihan. Kasali na ako roon syempre.

"Hindi ka dapat mahiya Miriana, about what happened? I will not make a move not until you give me permission. I don't want to promise anything... because my actions will do it. Just tell me kung ano ang pwede kong gawin para hindi ka na mahiya, okay?"

Behind that Innocent Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon