A/N: Janjararan! Surprise! Eto na yung update ko. Sorry kung SOBRANG natagalan, medyo marami kasi akong ginagawa ngayon eh. Alam nyo na, busy sa lovelife, charot! Wala nga akong lovelife eh, nakakaiyak. Bigyan nyo nga ako please, hahaha! Joke lang ulit. Yan, dahil alam kong namiss nyo si Dandan at si Julie, pinilit ko talagang matapos 'tong chapter na 'to ngayon. Enjoy guys!
And dedicated pala 'to sa isang KAIBIGAN, oo friends kame, hahaha! Well, salamat sa pangungulit mo nitong mga nagdaang araw at medyo naaaliw mo naman ako. O ayan, hindi kita aawayin dito, mabait kaya ako, hahaha! Salamat pala sa walang sawang suporta sa mga stories ko bata! hahahaha!
O sya, ayoko na ng mahabang A/N at baka may magcomment na naman, haha! charot!
PS, hindi ko ulit na-edit so bahala na kayo dito. hahaha!
=================================================================
DANIELLE'S POV:
"I'm back" napakunot yung noo ko nang mabasa yung text message galing sa isang unknown na number. Sino naman kaya to? Wala naman ako sa mood replyan para itanong kung sino sya kase baka naman wrong send lang diba? And isa pa, wala naman akong kilala na pwedeng bumalik eh. Andito na si Julie eh, sya lang naman yung hinihintay ko noon.
"Aga-aga, nakakunot yung noo Dani? Yung totoo? Ndi ka nakascore kay Julie kagabi no?" agad ko namang binatukan yung nagsalita.
"Igagaya mo pa ko sa'yo na walang ibang ginawa kundi umiscore ng umiscore" natatawang sabi ko.
"Hoy! Hindi naman ako ganon. Baka akalain ni Krissa ganun ako, wala namang siraan!" reklamo ni Jobelle.
"Pwes, hindi rin ako ganon kaya manahimik ka." Naiiling na sabi ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa message sa cellphone ko.
At ang pakelamerang si Jobelle, walang pakundangan na binasa yung message.
"Uy, sino yan? Ex mo?"
"Ex ka dyan, eh kita mo nga walang pangalan o! And wala akong hinihintay na bumalik"
"Sure ka?"
"I think so. Si Julie lang naman yung hinihintay ko non eh"
"Talaga? Wala kang naiwan sa states?"
"Yeah, wala"
"Kahit ka-fling or kaibigan or nakalandian?" tanong pa nya.
Hindi kaya si.. Nah, sabi nya sakin, never na syang babalik dito sa Pinas. Kaya imposible, imposibleng sya 'tong nagtext.
"So meron nga?"
"Ha?"
"So sino nga?"
"Wala nga!"
"Wala ka dyan! Eh ayan o, umiiling-iling ka dyan. Halatang may iniisip ka. Dani, ako lang 'to. Alam mong pwede mo sabihin sakin lahat. Okay?"
"Eh kase alam ko naman na hindi sya uuwi dito sa Pinas eh"
"Sino nga? At ano sya sa buhay mo?"
"Reya Sandoval. A friend."
"Yung totoo, friends lang kayo?"
"Well, we did act as we were in a relationship pero walang commitment yon. Alam nya at alam ko na friends lang kami."
"Did you, uhm, you know, the 'S' word?"
"Of course not! Pinangako ko sa sarili ko na kay Julie ko lang ibibigay yung katawan ko" natatawang sabi ko.
Bakit ba kasi eto yung pinag-uusapan namin nitong babaeng 'to?
BINABASA MO ANG
Slave For You
RomancePapano kung iniwan ka bigla ng Mama mo sa matalik nyang kaibigan? Tapos sinabi nya sayo na wag na wag kang aalis don dahil dun ka nya babalikan? Sabi naman nung mag-asawang kukupkop sayo, wala ka naman daw kailangang alalahanin dahil pwede ka daw tu...