Chapter 7

30.3K 627 141
                                    

A/N: Chanan! Eto na po yung update. Sana po magustuhan nyo, mamaya UMS naman, malapit na malapit na yung matapos. At malapit nyo na ring makilala yung bestfriend ko ^_^

Dedicate ko pala to dun sa isa sa mga gumawa ng covers para dito sa story na to :) thanks so much!

Eto na po yung POV ni Dandan, patikim pa lang to guys. hahaha!

Enjoy!

============================================================================

DANIELLE'S POV:

"O tapos maglalasing at magmumukmok ka dito sa bar ko" naiiling na sabi sakin ni JR.

"Anong gusto mong gawin? Panoorin yung pagbabalikan nila? Nah, wag na lang, masstress lang ako bro" nakangiting sabi ko sa kanya.

Nung tinanong ko kanina si Julie, akala ko sasabihin nya na nakamove-on na sya at hindi na nya mahal si Makmak. Pero iba yung nangyari kanina, nung nakita kong umiyak sya, naramdaman ko na hindi pa rin, at may nararamdaman pa rin sya para sa pinsan ko.

"Papano ka naman nakasiguradong magkakabalikan sila?"

"Tinanong ko kanina si Jules kung..kung mahal pa nya si Makmak"

"Tapos?"

"Umiyak sya"

"At sinabi nyang mahal pa nya si Marky?"

Umiling naman ako.

"Nah, pero kailangan pa bang sumagot eh obvious naman na mahal pa nya yung pinsan natin."

"Tapos bigla mo syang itinaboy at itinulak kay Marky kahit hindi mo naman alam kung ano talaga yung totoong nararamdaman nya?"

Tumango lang ako.

"God Dani! You're so stupid! Akala ko ba matalino ka? Why did you push her away?"

"Ayoko sanang gawin yon pero mas importante yung happiness nya"

"Did you tell her kung ano yung relasyon mo sa kanya bago kayo magkalayo nung mga bata tayo?"

Malungkot na umiling ako.

"I can't. She hates me. So much."

"Pero may karapatan syang malaman."

"JR, ang babata pa namin non and hindi ako sigurado kung seryoso sya ng mga panahong yon. We're like what? 8 or 9 years old nung mga panahong yon"

"Pero girlfriend mo pa rin sya kase hindi naman kayo nagbreak non!"

"Girlfriend? Haha! As if naman gugustuhin nyang malaman yon. Naalala ko nung time na bumalik ako dito sa Pinas para hanapin sya and umasa na tutuparin nya yung promise nya sakin na hanggang sa huli, kaming dalawa lang yung magkasama. Nagulat ako non nung makita ko sya na kayakap at hinahalikan ni Makmak. Gustung-gusto kong lumapit sa kanila at sabihin kay Julie na 'hey, sana hindi ka na nangako kung hindi mo rin naman pala kayang tuparin'."

"Hmmm, naalala ko nga yun sis. Yun yung time na halos ubusin mo lahat ng alak dito sa bar ko"

"Ang sakit eh. At dun pa talaga nya ko pinagpalit sa taong pinagbantay ko at pinagkatiwalaan ko" iiling-iling na sabi ko.

"Pero wala namang kasalanan si Julie don diba? Wala syang matandaan."

"Hindi nakakalimot yung puso JR"

"Asus, now you're being corny sis. At dahil sa nakita mong yon, pinilit mo syang kalimutan diba? And halos isumpa mo non si Marky."

"Dahil ahas sya! Mang-aagaw sya! Ang sabi ko bantayan nya si Jules hanggang makabalik ako. Pero anong ginawa nya? Inagaw nya sakin yung girlfriend ko!"

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon