Chapter 45

16.4K 437 37
                                    

A/N: Woops! Eto na yung pinakahihintay nyong lahat, yung POV ng pinakamamahal nyong si Dandan. Huling chapter na 'to tapos Epilogue na. Yes na yes na yes na yes! Sa wakas matatapos ko na rin sya. Oh well, sana lang magustuhan nyo kahit halatang pilit yung ending. Wag na kayong magreklamo, nakikibasa na lang kayo eh, hahaha. Kung gusto nyo ng magandang ending, ge, kayo yung gumawa. Charot!

As promised, dedicated pa rin 'to kay V. Enjoy!

P.S. Di ko ulit inedit. Pasyensya! Haha.

================================================================================

DANIELLE'S POV:

"Magsisimula na yung wedding. Ready ka na? Hinihintay ka na ni Aries." nakangiting sabi sakin ni Jobelle.

"Yeah." maikling sagot ko sabay sunod sa kanya.

Nakatulala lang ako habang nagsisimulang lumakad yung entourage. Hindi ko kasi alam kung tama ba 'tong gagawin ko eh. Kung tama yung naging desisyon ko. Kung tama na inilihim ko kay Julie yung totoo. Or kung tama ba na bumalik pa talaga ako sa buhay nya.

Ewan ko ba. Ayokong isipin pero biglang bumalik sa ala-ala ko yung ginawa sakin nila Julie and Reya. Ang saya-saya ko nung araw na yon kase 2nd year anniversary namin ni Jules and makakabawi na ako sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya. Excited ko din na inilabas sa bulsa ko yung binili kong ring para sa kanya. Yeah, siguradong-sigurado na ako na si Julie talaga yung gusto kong makasama habang buhay. Humingi nga din ako ng ilang weeks na leave kay coach kase gusto kong bumawi sa kanya. Kailangan kong gawin yon kung ayaw kong maagaw sya sakin ni Reya.

Naalala ko kasi yung sinabi nya sakin nung last time na niyaya nya ako na makipag-usap sa kanya. Sabi nya sakin bantayan kong mabuti yung girlfriend ko dahil gagawa daw sya ng paraan para maagaw si Julie. Sabi ko pa nga, wag na wag nyang idamay si Julie sa kung anong meron kaming dalawa. Pero nagulat ako nung sinabi nyang unang kita pa lang nya sa girlfriend ko, alam nyang magkakaron ito ng special place sa buhay nya. At kung aagawin man daw nya sakin si Julie, hindi yun dahil gusto nyang maghiganti or saktan ulit ako, aagawin nya daw nya yung girlfriend ko dahil mahal na nya 'to.

Pero syempre, binalewala ko yung sinabi nyang yon kase sigurado naman ako na mahal na mahal ako ng babe ko. Alam kong hinding-hindi nya ako ipagpapalit kahit anong mangyari.Although, nandun pa rin yung konting kaba lalo na kapag magkasama kami pero hindi nya mabitawan yung phone nya tapos parang excited pa sya lagi kapag may nagttext. At lalo akong kinutuban nung bigla nyang lagyan ng lock code yung phone nya na never naman nyang ginawa simula nung naging kaming dalawa. Pero syempre, mas nangibabaw yung tiwala ko sa sa kanya at sa relasyon namin so inalis ko na lang sa isip ko yung pangambang yon.

So yun nga, tinanong ko kay Krissa kung anong oras matatapos yung training nila kase ayoko ngang makahalata si Julie ma may surprise ako so hindi ko muna sya tinext or tinawagan buong araw. Nung sinabi ni Krissa na tapos na yung training, agad kong iniready lahat ng kailangan, malapit lang kasi yung condo sa pinagtrainingan nila kanina eh so baka mga 15 minutes, nandito na si Julie. Pinatay ko pa yung lahat ng ilaw sa condo para kunwari walang tao. Hay, excited na talaga akong magpropose. Ngiting-ngiti pa nga ako habang hinihintay sya eh. Alam ko kasing matutuwa sya sa gagawin ko, si Jules kasi yung tipo ng tao na kahit simpleng bagay lang, masaya na sya. Medyo kabado din ako kase hindi ko alam kung papa'no ako magpopropose sa kanya. First time ko naman kasi gagawin 'to no! Pero kaya ko 'to. Ako pa ba? Eh si Danielle San Jose ako.

Halos dalawang oras na akong naghihintay sa pagdating nya kaya medyo kinabahan na ako. Tnry ko rin syang kontakin pero ring lang ng ring yung phone nya and nung tnry ko ulit, nakapatay naman. So syempre mas lalong lumakas yung kaba ko kaya tinawagan ko agad si Krissa. Baka kasi may masama ng nangyari kay Julie kaya hindi sya makasagot. Nagulat ako nung sinabi nya sakin na kasama daw ni Julie si Reya, sumama daw magdinner. Nung una, ayaw pa nyang sabihin sa akin kung saan sila nagdinner pero pinagtulungan namin sya ni Jobelle kaya sinabi na rin nya.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon