A/N: Hay, ang tagal bago ko naupdate 'tong story na 'to. Kailangang-kailangan ko na talaga syang matapos dahil napakatagal na dapat na-complete 'to.
Dedicated pala 'to sa pinakamakulit kong friend. O eto na V ha, enjoy!
P.S. Di ko inedit. Haha. At kung may problema sa spacing, kasalanan ng ipad yan. Namatay na kasi ng tuluyan yung laptop kaya hindi na ako makakapag-update don. Hay, nakakaiyak. Wrong timing pa yung pagkasira nya dahil wala akong budget ngayon, ugh!
====================================================JULIE'S POV:
Tulad ng inaasahan ng lahat ng bashers namin, umuwi nga kaming talunan. Pero okay lang, at least ginawa naming lahat para maipanalo yung mga laban namin. At isa pa, napatunayan din namin na kaya na naming makipagsabayan sa players ng iba't-ibang bansa. Medyo nalungkot lang talaga kami na hindi namin naiuwi yung gintong medalya pero pinapangako namin na sa susunod na competition, mananalo na kami.
At syempre, dahil balik na kami sa Pilipinas, bumalik na rin yung pandededma sakin ni Danielle. Ewan ko ba don, sala sa init, sala sa lamig. Minsan sweet, minsan naman bumabalik sa pagiging halimaw nya. Pero mahal na mahal ka pa rin sya kahit hindi na naman nya ako masyadong pinapansin. Ako din naman yung may kasalanan kung bakit ganito yung nangyari diba? Ako yung dahilan kung bakit nawala sya sakin. Pero tulad ng sinabi ko noon, gagawin ko ang lahat para bumalik yung pagtitiwala at pagmamahal nya sakin.
Speaking of halimaw, kanina ko pa sya tinatawagan at tinetext pero hindi sya sumasagot. Nasaan na naman kaya yung babaeng yon? Aba dalawang araw na syang hindi umuuwi dito sa condo ha. Masyado yatang dinibdib yung pagkatalo namin kaya ayun, gusto daw muna nyang mapag-isa. Medyo nakakainis lang kase hindi man lang nya naisip na may taong sobrang nag-aalala sa kanya dito no! Maski kasi si Jobelle hindi rin daw alam kung nasaan yung babaeng yon.
Bakit naman kasi kailangan nyang mag-isa eh nandito naman ako para samahan sya diba? Sabi ko naman kasi sa kanya, nandito lang ako everytime na kailangan nya ng kausap or masasandalan. Libreng-libre yung balikat ko para sa kanya. At kung magiging maharot ako, hindi lang balikat ko yung libre para sa kanya, ako mismo, libreng-libre basta para sa kanya. Ay ang harot!
Pero seriously, sobrang nag-aalala na talaga ako sa babaeng yon. Hindi ko man lang alam kung kumakain ba sya, kung natutulog ba sya o kung naliligo ba sya! Jusmiyo Danielle San Jose, nasaan ka na ba kase?
Nasa ganoong pagmumuni-muni ako nang biglang magring yung phone ko. Agad-agad kong sinagot yung tawag dahil baka si Dandan ko yung tumatawag.
"Dani?" excited na sagot ko. Aba hindi nyo naman ako masisisi kung bakit ganun na lang yung excitement ko kase si Dani 'to eh.
"Dani ka dyan. Hey daughter of mine, this is your mother calling from the United States of Americans!" Sagot nito na para bang may sinasalihan na beauty contest.
"Mama?" takang tanong ko.
"Yes my dear daughter. This is me calling you because I wants to talk with you." Jusko ayan na naman sya sa pag-eenglish nya, nasstress ako.
"Ma, uso magtagalog. Mukhang hirap na hirap kang mag-english ah." natatawang sabi ko.
"Of course no! I english myself so well because my husband is teach me to speak proper English." sagot pa nito.
Juice colored! Namomroblema na nga ako kay Dani, pati ba naman pag-eenglish ng nanay ko poproblemahin ko pa?
"Ma, yung totoo, may natututunan ka ba sa kanya? Para kasing--"
"Can't you hear my english my son?"
"Ma, babae ako, daughter po."
"My bad. I'm sorry for that. I don't meant that. You is a girl so therefore you is a daughter of mine."
BINABASA MO ANG
Slave For You
RomancePapano kung iniwan ka bigla ng Mama mo sa matalik nyang kaibigan? Tapos sinabi nya sayo na wag na wag kang aalis don dahil dun ka nya babalikan? Sabi naman nung mag-asawang kukupkop sayo, wala ka naman daw kailangang alalahanin dahil pwede ka daw tu...