Chapter 13

28.9K 633 118
                                    

A/N: o eto na po yung update ko. Pasensya na kung medyo natagalan, wala lang kasi talagang pumasok sa isip ko at isa pa, medyo busy kasi kami ng mga pinsan ko ngayon eh. Enjoy guys. Di ko yan inedit ha, bahala na kung may mali dito.

At dahil hindi ko pa nagagawa yung sa deal natin, sige, idededicate ko muna tong chapter na to sayo luluko_23. Pero sa isang kundisyon, sakin na si Christian, hahaha! O sya sya, kakain na ko ng breakfast. CIAO!

==========================================================================

DANIELLE'S POV:

"So?" napataas naman yung kilay ko nang marinig yung tanong ni JR.

"Anong so?" balik-tanong ko sa kanya.

"O c'mon Dani, don't tell me nagiging slow ka na rin?" natatawang sabi nya.

"Seriously JR? Bat kasi ang dami mo pang paligoy-ligoy, ano ba kasing gusto mong malaman?" inis na sabi ko sa kanya.

"Hey hey, hindi mo kailangang magtaray dyan. Nagtatanong lang ako"

"Ayusin mo kasi yung tanong mo!"

"Fine fine. Tsk! Masyadong maiinitin yung ulo mo!"

Tiningnan ko sya ng masama. Pupunta-punta sya dito sa condo para istorbohin kami ni Julie tapos paganyan-ganyan pa sya. Kanina ko pa kaya sya tinataboy na umuwi pero hanggang ngayon, eto nambabadtrip pa rin sya!

"I'm waiting JR" malamig na sabi ko.

"So, kayo na ba ulit ni Julie?" derechong tanong nito.

Bigla namang nanlaki yung mata ko dahil nasa kwarto lang si Julie at baka narinig nya yung tanong ni JR. Hala, wala pa syang alam sa nangyari dati eh.

"Bakit kailangan mo yang itanong habang nandito si Jules?" bulong ko sa kanya.

"O tapos nung tinanong kita, nagagalit ka! Naku naman Dani, hanggang ngayon ganyan ka pa rin, sala sa init, sala sa lamig. Goodluck na lang talaga kay Julie." Naiiling na sabi nito.

"Tss. Alis na!" sabi ko sa kanya.

"Hindi mo pa ko sinasagot. At kamusta naman na pinaalis mo ko sa sarili kong condo"

"And so? I don't care kung sayo to, pwedeng-pwede kong bilhin to no"

"Tsk. Chill ka lang dyan Dani, masyado kang hot eh!"

"Ahuh, I know I'm HOT, duh!"

"Hindi yun yung ibig kong sabihin."

"Alis na kase"

"Bakit ba kanina mo pa ko tinataboy? Siguro may gagawin kayo no?" sabay ngiti ng nakakaloko.

Bigla akong napangiti nang maalala ko yung nangyari sa locker room kanina. Ang cute talaga ng mukha ni Jules pag natturn-on sya.

"Oh no, I know that smile Dani, did you do IT na?" tanong ni JR.

"Of course not, you perv!" well, hindi pa. Kaya wag nya kong pangunahan dahil baka biglang maudlot.

"Sus, sino satin yung ganon Dani." Pang-aasar pa nito.

Sinamaan ko lang sya ng tingin.

"Fine fine, I'll go now. Oh btw, selos na selos pala si Marky sa inyo ni Julie. Goodjob sis"

"Wala akong pakelam kung nagseselos sya"

"He said he'll do anything para mabawi si Julie sayo"

Lalo namang nagdilim yung paningin ko.

"JR, pakisabi sa kanya na wala syang babawiin dahil ako yung INAGAWAN nya." Galit na sabi ko.

"Chill sis. Alam ko naman na hindi na nya maagaw ulit si Julie sayo dahil mukhang inlove na inlove na sayo yung isang yon"

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon