Chapter 24

20.6K 562 58
                                    

A/N: Hey guys! Pasensya na kung natagalan yung update ha, busy lang kasi talaga ko. Pero eto, tnry ko syang isingit para naman hindi nyo makalimutan yung storya nya, hahahaha!

O sya, enjoy guys! Di ko pala inedit, so kung may mali man, pasensya na lang, hahaha! Di ko na hahabaan tong A/N ko kase baka may mang-away na naman, charot!

========================================================================

DANIELLE'S POV:

"Hey bebe, bakit parang hindi yata maganda yung gising mo ngayon?" nakangiting tanong sakin ni Ate Jing.

Ngumiti lang ako at isinandal yung ulo ko sa balikat nya. Wala lang ako sa mood magsalita ngayon. Bukod kasi sa pambibitin sakin ni Julie kagabi, biglang hindi ko sya makontak ngayong araw. Ang sabi nya, may pupuntahan sila ng bestfriend nya pero hindi man lang sya nagsabi sakin kung saan yon at kung anong oras sya makakauwi. Ok lang naman sakin na gumimik sya kasama ng bestfriend nya kaso sana alam ko kung nasaan sya ngayon diba? Kanina pa kaya ko nag-aalala kase hindi man lang nagttext o sumasagot sa tawag ko mula nung umalis ako sa condo.

Nasa ganung posisyon kame nang lumapit samin si Jobs.

"Huy, balita ko, meron daw magaling sa makakalaban natin mamaya. Medyo matagal na daw hindi naglalaro, pero ilang beses daw naging MVP yon." Nakangiting sabi nito samin.

"So tingin mo, kailangan kong kabahan sa kanya?" nakataas ang kilay na tanong ko.

"Bakit kailangan mo kong taasan ng kilay? Nagkkwento lang naman ako diba? May sinabi ba kong, 'hoy Dani, kabahan ka kase may tatalo na sayo'" sabi nito na nakasimangot.

"Makakwento ka kase parang nananakot ka. Excuse me, pero walang kinakatakutan ang isang Danielle San Jose. Kung gusto mo, mamaya, pakita ko sayo kung papano ko lalampasuhin yung player na yon"

"Talaga? Kahit si Julie?"

Mas lalo ko naman syang tinaasan ng kilay.

"At bakit nasama sa usapan si Jules?"

Ang sakit sa bangs nitong si Jobs. Bat nya kailangang isali pa si Julie sa usapan namin? Di naman ako takot don no! Uh, pero depende kung hawak nya yung baseball bat ni JR. Oh well, sino ba namang hindi matatakot diba?

"So hindi ka nga takot kay Julie?"

"Nah, hindi ako takot sa kanya." Mayabang na sabi ko. Totoo naman diba? Hindi naman talaga ko takot sa kanya? Sya pa nga yung takot sakin e.

"Uy bebe, diba yung girlfriend mo, magaling din magvolleyball? Ba't di mo sya pinag-try out?" singit ni Ate Jing sa usapan namin.

"Nakalimutan ko kasing sabihin sa kanya eh" sagot ko dito.

"Nakalimutan o kinalimutan?" pang-aasar pa rin ni Jobs.

"Hello, bat ko naman sasadyaing kalimutan?"

"Dahil alam mong pwede ka nyang talunin at pwede nyang maagaw sayo yung korona"

"Jobs, kung si Julie lang din naman yung aagaw sakin sa 'korona' na sinasabi mo, at makakatalo sakin, tatanggapin ko yun ng buong puso no! Mas importante naman si Julie kesa sa mga award-award na yan no!"

Yeah, wala akong pakelam kung mawala man sakin tong kasikatan na to, yung pagiging MVP ko at lahat-lahat, basta nasakin lang si Julie. Sya lang naman yung importante sakin eh.

"Aww, ang keso bebe" nakangiting sabi ni Ate Jing.

"Keso ka dyan, ang sabihin mo, ang korni Ate, jusko, etong si Danielle, naging girlfriend lang si Julie, kumorni na. Samantalang noon, kasama ko syang pinagtatawanan yung mga nakikita naming magjowa na super korni. At eto pa ha, sinabi pa nya sakin na never mangyayari sa kanya yon. O eh kamusta naman ngayon, kinain nya lahat ng sinabi nya" natatawang sabi ni Jobs.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon