Chapter 38

13.3K 413 27
                                    

A/N: Hooo! Ayun, sabi ko sana mapost ko 'to bago sya gumising kaso wala, fail. Hay, kala ko pa mandin masusurprise ko sya, pero waley, palpak. Aish! Haha! O sya, pasensya na kung natagalan yung update dito ha, promise tatapusin ko na 'to. Medyo matagal na din kasi eh. After nito, DFY naman, YEY! tapos MLG, hahahaha!

Dedicated pala 'to dun sa taong ilang beses na kong kinulit na tapusin na 'tong story na 'to. Napag-awayan pa nga namin kase sabi ko ang hirap ng pinapagawa nya. Pero sana lang talaga, matapos ko 'to bago matapos yung month. Sana, sana, sana. Di na kita itatag ha, alam mo naman kung sino ka. Haha.

O sya, enjoy guys, sana magustuhan nyo. Di ko sya inedit ha, so kung may mali, kebs na lang, hahaha.


================================================================


JULIE'SPOV:

"It's okay. Wala na akong magagawa. Akala ko, makakaya kong palitan sya sa puso mo, pero nagkamali ako. Kahit pala ako yung kasama mo nung time na wala sya, sya pa rin yung mahal mo."

Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko yung huling sinabi sakin ni Reya nung kinausap ko sya. Sinabi ko sa kanya na hanggang ngayon, si Danielle pa rin yung mahal ko. Na gagawin ko yung lahat para makuha ulit yung tiwala at pagmamahal nya. Nung una, syempre pinaglaban nya yung nararamdaman nya pero wala talaga eh, siguro na-confuse lang ako nung time na naging sobrang close kami. Pero sabi nga nila, kahit saang lupalop ka pa pumunta or mapunta, at the end of the day, uuwi ka pa rin dun sa taong mahal mo. At sakin, si Danielle yon. Sa huli, kay Danielle pa rin ako.

Pero syempre, sabi ko nga, kailangan kong gawin lahat-lahat para maibalik yung tiwala at pagmamahal nya sakin.

"Eh papa'no babalik, diba nga sabi nya, walang maiinlove ulit? At isa pa, ikakasal na 'yon. Ano? Ikaw naman yung mang-aagaw?" wala akong ibang kasama, so malamang sarili ko yung kausap ko. Pasensya na pero kailangan ko lang kasi talagang ilabas yung nararamdaman ko.

"Eh kasalanan mo. Ang harot mo kase! Nasa'yo na sya, pinagpalit mo pa sa iba. Sabi nga nila, ginto na naging bato pa. Yan ang napapala mo sa sobrang kalandian mo!"

Sana lang talaga walang makakita sa ginagawa ko ngayon dahil para akong tanga na nagbabago-bago ng itsura habang pinapagalitan yung sarili ko.

"Eh diba nga, magkasama kayo ngayon sa isang bahay? Akitin mo kaya tapos gawin nyo na yung matagal nan yang inuungot sa'yo. Tapos sa araw ng kasal nila, sumigaw ka ng 'Itigil ang kasal! Buntis ako at yung bride yung isa pang ina!' O diba okay yon?"

"O shunga! Mapagkamalan ka pang baliw at dalhin sa mental institution! Kelan pa nabuntis ng babae yung kapwa babae? At isa pa, sure kang kaya mong ibigay sa kanya yung matagal nan yang gusto?"

"Joke! Di ko pa kaya. Saka na lang, sa tamang panahon!"

"At kelan yung tamang panahon na yon?"

"Bukas! Joke!"natatawang sagot ko sa sarili ko.

"Sissy?"

"Ay sissy!" gulat na sabi ko ng may magsalita sa likod ko.

Nagulat ako ng makitang mangiyak-ngiyak si Krissa habang nakatingin sakin. Agad ko syang nilapitan at niyakap.

"Anong nangyari sissy? Bakit ka umiiyak? Sinong umaway sa'yo? Si Jobs ba?" sunud-sunod na tanong ko sa kanya.

Umiling-iling naman sya.

"Ano nga? Magsalita ka!" nag-aalalang sabi ko.

Malungkot na tumingin muna sya sakin bago nagsalita.

"Naiiyak ako kase nahihirapan akong makita na tinatakasan ka na ng katinuan dahil sa mga problemang pinapasan mo ngayon. Sabi ko naman sa'yo diba? Nandito lang ako. Bakit kasi kailangan mong solohin yang mga problemang yan. Ayan tuloy, nagkaganyan ka"

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon