Chapter 8

29.8K 679 175
                                    

A/N: O eto na po, eto na po yung pinakahihintay nyong update. Pasensya na po at hindi ko sya naupdate kahapon, gabi na kasi ako nakauwi eh. Oh well sana magustuhan nyo tong update na to.

Btw, para pala to sayo Kang! Hindi pa naman magiging sila dito pero at least, may magandang mangyayari ^_^

ENJOY guys!

Di ko ulit sya na-edit ha kaya kung may mali po, pakisabi na lang para mabago ko agad *_*

======================================================================

JULIE'S POV:

"Oh so, ikaw pala yung bagong assistant ngayon ni Dani" narinig kong tanong ni Marky.

Tumango lang ako sa kanya. Hindi ba talaga nya napapansin na wala ako sa mood na makipag-usap sa kanya? Hindi sya yung gusto kong makausap ngayon, si Danielle. Kanina ko pa sya hinihintay pero wala pa rin sya. Tinatawagan at tinetext ko din sya pero hindi naman sumasagot. Kanina pa ko nag-aalala sa kanya.

"Hindi ka ba naman nya sinusungitan or tinatarayan? Medyo mean kasi si pinsan sa mga nagiging assistant nya eh"

"Mabait si Danielle" sagot ko sa kanya.

Bigla naman syang tumawa. Napatingin naman ako sa kanya. Problema ng isang to?

"Wow, ngayon lang ako nakarinig ng ganyang comment tungkol sa pinsan ko. At galling pa sayo ha! Dun sa taong ipinahiya nya sa harap ng maraming tao nung isang taon." Seriously? Kailangan nya talagang ungkatin yon?

"Wala na sakin yon, napatawad ko na sya"

"Good to hear that. At least ok na ngayon yung girlfriend ko and yung pinsan ko"

Napataas naman yung kilay ko sa sinabi nya. Ano daw yun?

"Girlfriend?" tanong ko sa kanya.

"Yeah, girlfriend. I want you back baby" nakangiting sabi nito.

Tsk! Anong akala nya, makukuha nya ko sa pangiti-ngiti at pa-aywa-I want you back nyang ganyan? Manigas sya! Matapos nya kong biglang iwan at hindi pakinggan yung mga paliwanag ko, may gana pa syang makipagbalikan?!

"Will you give me another chance?" tanong pa nya.

"Ano kase Marky"

"Hindi mo na ba ko mahal?"

Bigla akong nalungkot pagkarinig ng tanong nya. Halos ganun din yung tanong ni Danielle sakin kanina. At kung sumagot lang sana ako at sinabing hindi na, siguro hindi sya umalis papunta sa bar ng kapatid nya. Siguro masaya kaming nag-aaway at nag-aasaran ngayon.

Bat ganon? Kanina lang naman magkasama kami pero namimiss ko na agad sya?

Oh well, alam ko naman yung sagot, bakit ko pa kailangang tanungin. Tsk, nasan na kaya yung babaeng yon?

"Baby?" tawag sakin ni Marky.

Lumingon naman ako sa kanya.

"O?"

"Hindi mo sinagot yung tanong ko"

"Gusto mo ba talagang sagutin ko?"

"Syempre naman. Gusto kong malaman."

Ngumiti ako sa kanya.

"Hindi na. Wala na kong nararamdaman sayo"

Nakita ko na parang nabigla sya sa sagot ko pero agad din namang ngumiti.

"Hindi ako naniniwala sayo. Galit ka lang."

Umiling ako sa kanya.

"Hindi na ko galit sa ginawa mo sakin non. Ok na rin yon, nagpapasalamat pa nga ako sayo kase mas naging strong ako."

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon