Chapter 14

29.6K 615 56
                                    

A/N: Hola! Itey na yung update na kahapon nyo pa inaabangan! o sya, basahin nyo na lang, di ko inedit to ha, so bahala na kayong intindihin yung mga maling words. hahaha!

=================================================================

JULIE'S POV:

"JULES! JULES! JULES!" narinig kong sigaw ni dalandan. Ay sus, ano na naman kayang nangyayari don. Ok naman sya nung ginising ko at inihatid sa kwarto nya kagabi. Nakasmile pa nga sya eh. Oh well sana lang hindi nya narinig yung binulong ko sa kanya dahil baka mas magtake-advantage sya pag nalaman nyang mahal ko sya.

Agad ko syang pinuntahan sa kwarto nya, napailing ako nang makitang nagpupumilit syang tumayo pero hindi nya maigalaw yung mga paa nya.

"Diba sabi naman sayo nung doctor, ngayon sasakit yang paa mo. Kaya nga sabi nya magpahinga ka lang ngayong araw diba?"

"No! Hindi pwede, may practice kami ngayon"

"O tapos?"

"Kailangan kong umattend, lagot ako kay coach pag nagkataon"

"Dani, yung coach mo nga yung nagbilin sakin na sabihin sayo na wag ka nang umattend ng practice ngayon"

"Kailangan kong umattend" determinadong sabi nya sabay nagpumilit ulit tumayo. Pero syempre dahil kumikirot pa rin yung paa nya, ayun napaupo sa sahig habang nakangiwi. Ang tigas kasi ng ulo.

Nilapitan ko sya para itayo at alalalayang umupo sa kama pero tinabig lang nya yung kamay ko. O eh di sya na yung ma-pride.

Pinilit nya ulit tumayo at gaya nung una, napaupo lang sya. Ang kulit kase, ayaw paawat.

Lalapitan ko sana sya ulit pero pinigilan nya ko.

"Dyan ka lang, di ko kailangan ng tulong mo" matigas na sabi nya.

Tama nga si JR, gagawin talaga to ni Dani. At wala akong pwedeng gawin kundi panoorin sya hanggang sumuko sya at mapagod.

"Dani" tawag ko sa kanya dahil kitang-kita ko sa mukha nya yung sakit at hirap dahil sa pagpipilit tumayo at maglakad.

"Jules, kaya ko to"

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita ulit.

"Stop it Dani!!" sigaw ko sa kanya.

Mas nahihirapan ako sa ginagawa nya ngayon. Alam kong ayaw nyang ipakita pero alam kong kanina pa sya nasasaktan.

Gulat na tumingin naman sya sakin. Pero agad ding pinagpatuloy yung ginagawa.

"Ano ba Dani?! Diba sabi ko tigilan mo na yan?!"

"Pero kailangang makalaro ako Jules! Semifinals na to, kailangan hindi kami matalo, at ayokong ako yung maging dahilan para hindi kami makapasok sa finals!"

"Kung hindi mo titigilan yang ginagawa mo, malamang hindi ka nga makalaro. C'mon Dani, may tatlong araw pa bago yung match nyo, at sabi ng doctor, pwede ka naman daw makalaro, basta ipapahinga mo yang paa mo bago yun laban!"

"Pero yung practice—"

"Practice o actual match? Mamili ka!"

"Pero Jules---"

"O sige fine! Pairalin mo yang tigas ng ulo mo! Gusto mong maglakad at umattend ng practice, sige, bahala ka!"

"Jules"

"Puro sarili mo lang yang iniiisip mo! Hindi mo man lang naisip na nag-aalala ko sayo at nahihirapan ako dahil nakikita kitang nasasaktan dyan sa ginagawa mo!" hindi ko alam pero biglang tumulo yung luha ko. Nakakainis lang kase, kahapon ang sweet sweet nya hanggang kagabi tapos ngayon ganito na naman sya. Oo alam kong importante sa kanya yung volleyball pero sana alam nya kung kelan sya dapat magpahinga.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon