Chapter 26

24.5K 553 44
                                    

A/N: O eto na, kailangan kong matapos tong story na to bago mag 2015, hahaha!

Di ko ulit inedit ha! Loveyou guys!

Nasa media box yung song na iniimagine kong sinasayaw ng mga volleyball players, hahaha. Cutie ^_^

Dedicated pala to kay kulet!

=====================================================================

DANIELLE'S POV:

"Good Morning!" hindi ko alam pero ang ganda-ganda ng gising ko ngayon. Parang feeling ko, may magandang mangyayari. Hmmm, at isa pa pala, 1month na kami ni Jules ngayon. Parang ang bilis lang nga ng panahon eh. Oh well, sabi nga nila, hindi mo mamamalayan yung oras at araw basta kasama mo yung taong mahal mo. Ang corny no? Pero yun yung totoo.

Naalala ko pa unang beses na nagkita ulit kami ni Jules after nung paghalik ko sa kanya noon. Nung araw na pinatira sya ng Mama nya sa bahay namin. Gustung-gusto ko syang yakapin non pero nung nakita ko yung galit sa mga mata nya, pinigilan ko yung sarili ko.

At dahil alam ko na napipilitan lang sya na pakisamahan ako, naging cold din ako at mataray sa kanya. Sinabihan ko pa nga sya non na lumayas sa bahay pero hindi nya ginawa. Yun naman kasi yung time na pinipilit ko na ulit syang kalimutan. Pero wala eh, kahit anong pigil ko non sa nararamdaman ko, lumabas at lumabas pa rin yung pagmamahal ko eh, mas lumakas pa nga compared nung mga bata pa kami. Tapos magkasama pa kami sa kwarto. Juice colored! Kung alam nyo lang kung gaano ko nagpipigil everytime magkatabi kami ni Jules.

Kaya nga may mga oras na nahuhuli nya ko nakalapit yung mukha ko sa mukha nya habang natutulog sya, para kasing nang-aakit yung lips at sinasabing 'Danielle, halikan mo ko'. Oh yes, nung time na yon, binulungan talaga ko ng lips nya at inakit ako, wala akong kasalanan don. Hindi naman ako perv no! And hindi ako nagiging defensive ha, sinasabi ko lang yung totoong nangyari. Promise, cross my heart, hope to die.

Nakangiti akong tumayo para puntahan si Jules sa kusina. Sigurado ko kasing nagluluto na ng breakfast yon, mas nauuna kasi sya laging gumising sakin e. And feeling ko special yung niluluto nya ngayon kase, 1st month nga namin bilang mag 'babe'.

"Magandang umaga babe----" huh? Wala sya dito? Don't tell me tulog pa sya ha!

Nagmamadali naman akong pumasok sa kwarto nya para gisingin sya. At tulad nga ng mga nababasa ko, isa lang ang epektib na pampagising. A true love's kiss. At ako, si Danielle San Jose ang true love nya. Ehem!

Pero ayun, nakakadismaya kase wala din sya sa kwarto nya. Ugh! Nasaan kaya yung babaeng yon?

Inis na bumalik na lang ulit ako sa kusina. Kiss na dapat yun eh, napurnada pa, tsk! Bakit hindi sya nagpaalam sakin kung aalis pala sya?

Bubuksan ko na sana yung fridge para kumuha ng juice nang mapansing may nakadikit na note don.

'Hey Dani, alis lang ako ha, nagpasama kasi sakin si Krissa sa province ng lolo nya, importante lang daw kasi. Baka late na rin ako makauwi kase sa Quezon pa to.

P.S. Di na rin pala ko nakapagluto ng breakfast kaya mag-init ka na lang ng siopao dyan. Loveyou'

WTF?! Hindi ba nya alam kung anong araw ngayon? Mas inuna pa nya talaga si Krissa kesa sakin? At ni hindi man lang nya ko gnreet ha! At sa sobrang pagmamadali, hindi man lang ako pinagluto ng breakfast?!

"Nakakainis ka talagang Julie ka!" inis na sigaw ko habang kinakain yung insteam ko na siopao. At eto na naman ako, ginugula-gulanit na naman yung kaawa-awang siopao.

Papano ba naman kasing hindi ako mas mababadtrip? Eh kanina pa ko send ng send sa kanya ng text messages and tawag ng tawag pero hindi ko sya ma-reach. Hindi rin sya nagrereply.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon