Chapter 19

28.2K 573 49
                                    

A/N: O eto na po yung pnangako kong update sa inyo, dapat kanina pa yan eh, kaso nakatulog ako ng bongga, pasensya na talaga! Sana po magustuhan nyo :)

Di ko po ulit na-edit ha, so kung may mga mali man, pasensya na po, baguhin ko na lang later.

Labyu guys!

==================================================================

JULIE'S POV:

"Isuot mo yan!" narinig kong sabi sakin ni Danielle at pagkatapos ay inabutan ako ng panlalaking damit.

Takang tumingin naman ako sa kanya. Ano to? Bakit may mga ganitong ganap? At bakit ko kailangang isuot to? And hello, may wig pa talaga na panglalaki. Ano na naman kayang pakana to?

"Ano yan?" tanong ko sa kanya.

"Yan yung isusuot mo ngayon. Finals na ng SVL mamaya eh, gusto ko nandun ka para suportahan ako"

"Eh talaga namang manonood ako diba? Baka nakakalimutang assistant mo ko no! Duh! At bakit kailangan kong isuot yan? Ayoko nga!"

"Excuse me? At sino ka para tumanggi sa gusto ko? Baka nakakalimutan mo kung ano kita ngayon!"

Sukat don ay sinamaan ko sya ng tingin.

"Papano ko makakalimutan eh segu-segundo mong pinapaalala na natalo ako sa pustahan kaya 'slave' mo ko ngayon!" inis na sabi ko sa kanya.

"Oh eh, alam mo naman pala eh, anong inaayaw-ayaw mo dyan?"

"Bakit hindi ikaw yung magsuot nyan, tutal ikaw naman yung may gusto diba?"

"Duh Jules, maglalaro ako ngayon tapos gusto mong ako yung magsuot nyan and hindi bagay sakin yan, di ako pwedeng maging lalaki sa ganda at sexy kong to no!"

Ay iba din yung hangin sa katawan ng babaeng to eh. Kaya naman pala lumalamig na dito sa Pinas eh.

"Bakit ba kasi pinipilit mong isuot ko yan? Di ako nagsusuot ng ganyan, at isa pa, babaeng-babae ako no! Hindi ako lalaki Dani kaya pwede ba, tigilan mo ko!"

At ganun na lang yung kaba ko nang makita kong ngumiti ito ng pilya at unti-unting lumalapit sakin habang hawak-hawak yung damit.

"A-anong gagawin mo?"

"Kung ayaw mong isuot, ako yung magsusuot nito sayo. Or parang mas gusto kong makitang wala kang suot"

At sa nakikita ko sa mga mata nya, mukhang seryoso sya sa gagawin nya. No Julie, hindi mo pa pwedeng isuko ang bataan. Bata ka pa at maraming pangarap sa buhay. Wag mong hayaang matangay ka sa pang-aakit ng babaeng yan. Isipin mo na lang na isa syang pangit na halimaw na gusto kang lapain. Wag na wag bibigay Julie, lumayo ka sa tukso. Hindi ka pa pwedeng mabuntis ngayon, hindi mo pa pwedeng magamit ngayon yung bahay-bata mo, charot!

Inis na kinuha ko na lang sa kamay nya yung damit. Bwisit na to! Alam nya kung ano yung kahinaan ko eh at lagi nyang ginagamit sakin yon. Bakit kasi ang rupok ko?!

"Ako na! Bwisit ka! Puro kamanyakan yang nasa isip mo. Labas na!" sabi ko sa kanya sabay tulak palabas at sarado ng pinto.

Inis na tiningnan ko yung wig at yung damit na hawak-hawak ko ngayon. Bakit ba lagi nya kong napapasunod sa gusto nya? Ano bang meron yang Danielle San Jose na yan hindi ako manalo-nalo sa kanya?!

At kesa naman masira yung pinakiingatan kong puri, wala na kong nagawa kundi isuot yung pinapasuot nya sakin. At eto nga, mukha na kong lalaki talaga, buti na lang marunong akong mag-ayos ng wig.

Tiningnan ko muna yung sarili ko sa salamin bago ko lumabas para naman makita kung mukha akong presentable kay halimaw.

Napangiti naman ako sa nakita ko. In fairness, ang cute-cute ko ngayon. Pwede talagang mapagkamalang lalaki. Sigurado kong magkakacrush sakin si Dani ng bongga nito.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon