A/N: Oha, sabi ko naman sa inyo eh, tatapusin ko to ngayong araw. hmmm, pasensya na kung medyo natagalan yung update, nag-isip pa kase ko ng bongga para sa chapter na to eh. Sana magustuhan nyo. BAWAL KILIGIN! Chos!
At dahil sya yung unang nagcomment sa post ko, dedicated kay @snov_forest tong chapter na to. sana magustuhan mo.
ENJOY guys, btw, di ko ulit inedit kaya kung may mga mali, pakisabi na lang sakin. thanks much! mwah!
===================================================================
JULIE'S POV:
"Hi, kanina ka pa?" narinig kong tanong sakin ni Marky.
Yeah, sya yung sinabi ko kay Dani na kailangan kong kausapin. Hindi ko naman dapat sya sisiputin ngayon kaso nakakainis kasi yung dalandan na yun eh! Hindi ba nya alam na pinag-effortan ko talagang iluto yung kaldereta para sa kanya. Kahit nakakahiya, tinanong ko yung kapatid nya kung ano yung paborito nyang ulam. Tapos ganun lang yung gagawin nya? Dededmahin nya lang at ipagpapalit sa siopao na pusa naman yung nasa loob?! At ni hindi man lang ako pinigilan nung umalis ako ha, bumabalik na naman sya sa pagiging halimaw nya, tsk!
"Julie?" bigla naman akong natauhan ng tawagin ako ni Marky.
"Huh?"
"Tinanong ko kase kung kanina ka pa pero hindi ka sumagot. Nakatulala ka lang dyan."
"Oh, sorry may iniisip lang ako"
"Andito na naman ako diba? Wag mo na kong isipin" sabi pa nya sabay pakawala ng isang matamis na ngiti.
Hay, kung dati siguro kinilig na ko ng bongga dahil sa ginawa nya, pero iba na kasi ngayon. Oo, gwapo pa rin naman si Marky pero iba na kasi talaga yung mahal ko eh. At andun nga, naiwan sa condo dahil sa siopao nya. Ano na kayang ginagawa ng babaeng yun ngayon? Nakakain kaya sya ng maayos? Tse, galit pa rin ako sa kanya, bahala sya sa buhay nya.
"Huy Julie!" tawag ulit sakin ni Marky.
"S-sorry, ano nga ba ulit yung sinabi mo?"
Umiling naman sya sakin.
"Nevermind. Kumain ka na?"
Umiling naman ako. Di pa naman talaga, kasalanan kasi nung Danielle na yun eh. Iniwan ko tuloy yung pagkain ko sa mesa.
"Ok, ako nang bahala, yun na lang bang tulad ng dati?" nakangiting tanong nya sakin.
Tumango naman ako. Oo na, ako na yung PG! Ayaw ko mang isipin nya na feel na feel ko tong 'date' na to, pero kailangan ko talagang kumain kase gutum na gutom na ko at ayoko namang bumalik muna dun sa condo hangga't hindi nagsosorry si daldandan sa ginawa nya.
"Nga pala, thanks Jules ha. Akala ko hindi mo ko pagbibigyan eh."
Ngumiti naman ako sa kanya.
"Sabi mo kase may kailangan tayong pag-usapan diba? So kaya ako nandito" sabi ko sa kanya. Wag nga sya, baka isipin nya atat na atat akong makipagdate sa kanya. Kasalanan talaga to ni Dani eh. Oo dahil wala sya dito, sa kanya ko ibubunton lahat ng sisi.
"Yeah, pero mamaya na lang siguro natin pag-usapan pagkatapos nating kumain" sabi nya sakin dahil dumating na yung mga inorder nya para saming dalawa.
At dahil talagang gutom na gutom na ko, kahit wa-poise yung pagkain ko, wala akong pakelam. Natatawang tinitingnan lang ako ni Marky habang kumakain. Eh kung kumakain na lang kaya sya at hindi nya ko pinapanood habang kumakain, mas ok siguro yun.
"Wow! Gutum na gutom ka yata ah Julie" nakangiting sabi nya nang matapos akong kumain.
"Yeah, sorry ha. Di pa kasi ako nagdidinner eh"
BINABASA MO ANG
Slave For You
RomancePapano kung iniwan ka bigla ng Mama mo sa matalik nyang kaibigan? Tapos sinabi nya sayo na wag na wag kang aalis don dahil dun ka nya babalikan? Sabi naman nung mag-asawang kukupkop sayo, wala ka naman daw kailangang alalahanin dahil pwede ka daw tu...