Chapter 43

18.1K 486 127
                                    

A/N: As promised, eto na yung kasunod na chapter na dapat matagal ko ng sinulat pero dahil sa mga pasaway, eto, ngayon lang, hahaha! And gusto ko din sabihin sa inyo na malapit na 'tong matapos, after nito, may isa pang chapter, tapos POV na ni Dani, hmmm, isang chapter lang din 'yon and then epilogue na. Hay salamat, sa wakas! Sa tinagal-tagal ng story na 'to, malapit na syang matapos. At mas mabilis ko syang matatapos kung may magdadala dito ng chocobutternut from dunkin' donuts and wintermelon milktea house special ng gongcha, hahaha, may pearl dapat, charot! hahahaha! Salamat in advance sa magpapadeliver dito sa bahay. Paki-pm na lang ako kung gusto nyong malaman address namin, hahaha! Charot lang! hahaha!

Pero seryoso, konting panahon na lang at makakasama na sya sa listahan ng completed stories ko, nakakaiyak. Dalawa na lang on-going na pagtutuunan ko ng pansin. Yung kay parrot at yung kay DJ Tasya.

O ayan, basahin nyo na lang, bahala na kayo kung magugustuhan nyo o nde. hahaha! Kebs ko, basta ako magsusulat lang.

O di ko ulit inedit kase katamad so kayo na bahalang umintindi ha. CIAO!

=================================================================

JULIE'S POV:

"What? Agad-agad? Hindi pa kami nakakapagpahinga, opening agad? And hindi nyo man lang ako sinabihan agad na ako yung magdadala ng flag?" narinig kong reklamo ni halimaw kay Coach Charo at sa 'fiance' nya.

Kakarating lang kasi namin dito sa Singapore tapos medyo na-delay pa yung flight kaya ang init ng ulo nitong si Danielle. Actually, lahat naman kami, pero sabi nga ni Jobelle, wag daw kaming mabadtrip dapat kasi nga, kailangan happy-happy kami pagdating namin dito. Ayaw naman namin na maapektuhan ng ganitong mood namin yung mga laban namin diba? Gusto naman naming maitayo yung bandera ng Pinas sa larangan ng volleyball dito sa SEA games.

So yun nga naging okay naman kaming lahat, oops, bukod pala sa pinakamainitin yung ulo samin. Tapos eto pa, nalaman pa nya na kailangan nyang mag-ayos dahil sya daw yung flag bearer ng Team Pilipinas. Syempre kung kami yon, sobrang astig ng pakiramdam no'n. Hello, ikaw ba naman yung magdadala ng bandila ng Pilipinas? Diba ang cool. Oh well, kung KAMI yon. Eh kaso si halimaw yung gusto nila. Ms. MVP daw kase at pinakasikat daw sa lahat ng players na kasama which is truelalu naman talaga.

Well, bukod kase sa napakagaling na volleyball player nitong halimaw na 'to, aba'y akalain mong kasama pa sya sa FHM's sexiest ngayong 2015. At hindi lang basta kasama, kundi nasa Top 10 pa! Tapos nung nasa byahe kami papunta dito sa hotel, nagulat kami kase may billboards si Danielle dito sa Singapore. Halos lahat nga kami nagulat eh, ganun pala talaga kasikat 'tong halimaw na 'to.

At habang hangang-hanga kami sa kanya, ayun si halimaw parang wala lang sa kanya lahat. Parang bored na bored pa yung itsura nya kanina. Tapos pagdating namin sa hotel, pinagkaguluhan talaga sya ng mga Pinoy na nandito sa SG. Parang nabalewala nga kaming lahat, sya lang yung nilapitan ng mga tao, nakakaloka. Oh eh di sya na yung sikat.

"Ayoko nga kase Cha! Pagod ako, gusto kong magpahinga. Ayokong umattend ng practice!" medyo malakas na sabi ni Dani kaya biglang bumalik sa kasalukuyan yung isip ko.

"Danielle, sige na naman, wag ng matigas yung ulo" malumanay na sabi naman ni Coach Charo.

"Ayoko! Kung gusto nyo, ayan, si Julie na lang!" sabi pa nya sabay turo sakin kaya biglang nanlaki yung mata ko.

Aba teka! Oo sinabi ko kanina na gusto ko pero ayoko naman ng binibigla ako! Jusko hindi ako ready sa mga ganyan-ganyan.

Nakangiti namang tumingin sakin sila Coach Charo.

"Hmm, pwede naman. Bukod naman sa'yo, si Julie talaga yung isa sa panlaban ng team." Sabi pa nito habang tango lang yung sagot ni 'fiance'.

Pilyang ngumiti naman sakin si Danielle. No, ngiti ng tagumpay yung nakikita ko sa kanya ngayon. Bwisit talaga 'to kahit kelan.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon