Chapter 22

20.9K 563 69
                                    

A/N: Guys pasensya na po pero maiki lang tong update na to kase wala talaga kong maisip. nag-update lang talaga ko kase nagpromise ako sa inyo. Promise babawi ako sa susunod na chapter. Medyo masakit lang talaga yung ulo ko and wala ako sa mood ngayon. Pagpasensyahan nyo na lang to ha, mamaya, update ko yung DFY.

Di ko na sya inedit ha, pusa, sabihin mo na lang sakin kung may mga mali dito ha! hahahaha! salamat!

=====================================================================

DANIELLE'S POV:

"O, bat ganyan ka makangiti dyan?" nakataas ang kilay na tanong ni Jules.

Napangiti naman ako sa tanong ni Jules.

Kakauwi lang namin galing sa bahay. Andami-dami kasing kwento nila mommy and daddy kanina. At wala kaming ginawa magdamag kundi magtawanan lang. Sobrang namiss ko talaga yung family ko. Kasalanan kasi lahat ni Marky eh, kung bakit nandito kami ngayon ni Jules sa condo. Kung hindi ba naman kasi singkapal ng balat ng kalabaw at singtigas ng adobe yung mukha ng lalaking yon na wala yatang balak umalis sa bahay namin, eh di sana nandun kami ni Jules ngayon. Kahit nga anong pilit nila mommy kanina samin na dun na lang kami matulog, di ko pa rin sila pinagbigyan. Aba, malay ko naman kung may masama na palang binabalak samin si Marky.

After kasi ng pagwalk-out nya kagabi, hindi na namin alam kung san sya nagpunta. Basta nawala na lang sya ng parang bula. Sana nga di na sya bumalik eh para maging masaya na kaming lahat.

At speaking of masaya, super saya ko dahil hindi nagalit samin sila mommy and daddy nung nagtapat kami ni Julie. Mukhang masaya pa nga sila para samin eh. Nagulat lang ako na alam pala ni mommy yung tungkol samin kahit nung mga bata pa kami. At sila pa yung excited na makasal kami ni Julie ha! At pinipilit pa kami ni daddy na bigyan sila ng apo, jusmiyo, papano namin sila mabibigyan ng apo eh pareho kaming babae! Eh kahit ilang beses yata namin gawin yung 'ehem' eh hindi naman kami makakabuo no! chos! Malamang alam ko naman na may ibang pwedeng gawin para magkaanak kami, pero kase, hindi pa namin pinag-uusapan ni Julie yung tungkol sa bagay na yan. Masyado pang maaga pa don, eto naman kasing parents ko kung anu-anong pinagsasasabi kanina, hiyang-hiya tuloy yung girlfriend ko, ang ganda pa naman nito pag namumula sya at nagbblush, kung hindi ko nga lang napigilan yung sarili ko eh baka hinalikan ko na sya kanina sa harap nila mommy.

Pero alam ko namang ayaw ni Jules ng ganon eh. Yun nga lang subuan nya ko ng ice cream sa harap ng maraming tao eh nahihiya na sya, yung pa kayang halikan ko sya sa harap nila? Eh baka maging kamatis na talaga si Julie non, hahaha!

"Hoy babae, bat di ka sumagot? Bakit ganyan ka makangiti dyan?" ulit pa nito na parang mas naiinis. Ang cute talaga nitong si Jules pag naiinis. Mas lalo tuloy akong naiinlove.

"Uhm. Masaya lang kasi ako babe. Natanggap na kasi tayo ng parents ko. Konting-konti na lang, pwede na tayong mag-PDA sa public" nakangiting sagot ko sa kanya.

Mas lalo namang tumaas yung kilay nya sa sinabi ko.

"PDA mo yung mukha mo! Makipag-PDA ka sa lelang mo!" sabi pa nya.

"Babe, patay na yung lelang ko, di na ko pwedeng makipag-PDA sa kanya" tatawa-tawa namang sagot ko.

"Ha-ha-ha! Nakakatawa." Sarcastic na sabi nya.

"Gusto mo testing natin yung PDA ngayon?" tanong ko sabay kindat sa kanya.

"Dani, pano tayo mag-PPDA eh tayong dalawa lang dito? Malamang dapat may ibang tao! Duh!"

"Oh, so gusto mo pala may mga tao sa paligid natin habang ginagawa ko sayo to." Akmang lalapit ako sa kanya pero natigilan ako nang hawakan nya yung baseball bat ni JR! bwisit naman o, sinong nagbalik nito dito?

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon