Chapter 39

11.8K 374 12
                                    

A/N: Yieee! Surprise! May isa pa ulet! hahahaha! Syempre may magkokomento na naman ng bitin dyan. Subok lang talaga, pagkokokonyatan ko kayong lahat! TSE! Hahaha!

O di ko ulit inedit. Haha! Para SA'YO ulit 'to haha!


=================================================================


JULIE'S POV:

"So feeling mo, makukuha mo sya dyan sa ginagawa mong paglalandi?" natatawang bulong sakin ni Krissa habang nagpapahinga kami. Kakatapos na naman kasi ng practice game namin at talo yung team nila Dani dahil ginagawa ko na naman sa kanya yung mga pang-aakit na ginawa ko non sa kanya kapat naglalaro kami. In fairness, effective pa rin pala. Kaya ko pa rin pala syang mapatulala at maakit kapag kinakagat ko yung lower lip ko sabay kindat sa kanya. Ayun, imbes na maspike yung bola, natitigilan lang kaya natambakan namin sila.

Natatawa din ako nung tinawag sya at kinausap nila Coach. Ano naman kayang idadahilan nya? Na distracted sya sa kagandahan ko? Joke lang!

"Effective naman diba?" nakangiting sabi ko.

"In fairness naman talaga sa alindog mo sis, talagang nakikita ko yung pagtulala nya eh. At hindi talaga sya focused sa game" natatawang sabi nya.

"Sakin kasi sya naka-focus eh." Mayabang pang sabi ko.

"Sus, pero sis, hindi mo dyan makukuha ulit si Dani ha, sinasabi ko sa'yo."

"Alam ko naman yon. Gusto ko lang naman testingin kung maaakit pa rin sya sakin eh"

"Bakit hindi mo na itodo at pasukin mo din sya sa cubicle sa shower area, tulad nung ginawa nya sa'yo, remember, nung umungol--" inis na tinakpan ko na naman yung bibig nya,

"Hindi ako umungol non."

"Di daw. Wag ka nga! Rinig na rinig ko yon sis. Wag mo nga akong charotin dyan!" natatawa pang sabi nito.

"Baka dahil naapakan nya 'ko sa nasa--"

"Rapan ka? Sa apak nya?"

"Ewan ko sa'yo! Ang manyak mo!"

"Ako pa talaga? O sya, aalis muna ako ha!" natatawang sabi  nya.

"O bakit mo ko iiwan?" takang tanong ko.

"Ayoko kasing madamay sa bagsik ng halimaw na papalapit satin ngayon eh" natatawang sabi ng bruha sabay nguso sa may bandang kanan ko. At pagkatapos ay nagmamadaling lumapit kay Jobelle.

Hay, nang-iwan na naman sa ere.

Kinakabahan naman ako na tumingin sa direksyon ni Danielle. Uh-oh. Hala ka Julie. Patay kang Julie ka!

Tatayo na sana ako at lalayo pero bigla nya akong hinawakan sa braso at dinala sa pinakasulok ng gym.

Inis na pinaupo nya 'ko sa dulong upuan.

"What the hell was that Julie? Anong gusto mong palabasin? Na affected pa rin ako sa'yo? Ano na naman bang gusto mo?"

"Ikaw." Derechong sagot ko.

"What?!"

"Sabi ko ikaw yung gusto ko at gagawin ko lahat para bumalik ka sakin."

"Why?"

"Anong why?"

"Bakit gusto mo kong bumalik sa'yo? Para ano? Para saktan ulit?" mahinang tanong nya.

"No!"

"Then why?"

"Bakit ba andami mong tanong?"

"Because I want to know your reason."

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon