Chapter 29

19.1K 457 26
                                    

A/N: Sa wakas, sa pinagkatagal-tagal ng panahon, nadagdagan ko din ng chapter 'to. Pasensya na po sa mga fans nila Julie and Dani kase medyo wala kasi akong maisip dito. Buti na lang ngayon meron. Kaya eto, inupdate ko.

And syempre, tulad nung isang chapter ng MLG and ng DFY, dedicated din 'to kay Kulet! Kay girlfriend @jagsantos31. O ayan, batiin nyo daw sya kase bday nya ngayon, hahaha!

Happy happy happy bday! Mwah!

============================================================================

JULIE'S POV:

"In fairness friend, hindi ko akalain na tatagal kayong dalawa ni Dani ng ganito. And never pa kayo nag-away ha!" nakangiting sabi sakin ni Krissa habang nagttraining kami.

And yes, tama yung narinig nyo, matagal-tagal na nga rin kami ni hal. 5 months to be exact. Syempre alam ko, kase every month, ako lang naman yung nag-eeffort na mangsurprise sa kanya. Ganun pa rin sya, di pa rin ma-effort, pero love na love ko naman. May mga times na sweet naman sya, pero kadalasan, suplada and mataray pa rin. Well, typical Danielle. Nakokornihan na nga daw sya every monthsary namin eh, kung anu-ano kasing gimik yung pinggagagawa ko. Syempre special yun eh. Sobrang special naman kasi sakin ni Dani. Pero minsan, nakakainis yung babaeng yon, kinakalimutan ba naman yung monthsary namin, tapos sasabihin pa nya na hindi naman daw cneclebrate kase anniversary daw dapat. Ang corny-corny ko daw talaga.

Speaking of Dani, sila pala yung una naming makakalaban this conference. Kaya nga sobra yung pag-eensayo sami ni coach ngayon. Defending champion ba naman yung una naming makakalaban. Eh di WOW. At dahil sobra yung paghahanda nila, ipapakilala daw samin ni coach yung magiging assistant nya this conference. Magaling daw yun and apat na beses naging MVP sa volleyball. Excited na nga kaming makilala sya eh. Sana naman hindi ganun ka-strikto tulad ni coach. Si coach kase kung makautos samin, eh parang hindi kami marunong mapagod.

Oh well, si Dani din naman bongga na rin yung practice and training nila, minsan nga gabi na lang kaming dalawa nagkikita. Magkasama na kami sa bahay nyan ha! Miss ko na nga sya eh, pero nagpromise naman sya na pag wala silang practice, idadate nya daw ako. Yiee, excited na ko. Pero sana paghandaan nya yon para hindi naman magmukhang puchu-puchu lang.

Si Krissa din pala, lumipat na rin sa team namin so teammates na kami ngayon. Kung magtatanong kayo about sa kanila ni Jobelle, hmmm, okay naman sila, hindi na aso't-pusa kase laging nagpapacute yung isa dito kay Krissa, at eto namang kaibigan ko, nuno yata ng kamanhidan. Hindi man lang napapansin na sya yung gusto ni Jobelle. Kung kani-kanino pa kasi nya nirereto yung isa eh. Oh well, hayaan na natin na si Krissa na mismo yung makaramdam.

"Hoy Concepcion! Nakikinig ka ba?!" malakas na tanong ni coach kaya bigla akong napatingin sa kanya.

Narinig ko naman na nagtawanan yung teammates ko and kahit si Krissa. Tsk, sana imbes na tinatawanan nya ko, eh kinulbit nya ko nung nagsasalita na si coach.

"Sorry coach, may iniisip lang po" hinging paumanhin ko sa kanya.

"Well, FOCUS! I need you to FOCUS! Hindi yung kung saan-saan lumilipad yang isip mo! Hindi porke magaling ka eh babalewalain mo na yung pagccoach ko!" sigaw pa nito. Aray ko naman, makasigaw naman parang ang laki na ng kasalanan ko. Tss, iisipin ko na lang na kaya ka ganyan eh kase pangit ka. TSE!

"Yes coach! Hindi na po mauulit." Hinging paumanhin ko.

"Aba dapat lang!" mayabang pang sabi nito.

Kaimbyerna talaga tong coach na 'to. Pasalamat ka kailangan kitang igalang, dahil kung nde, kanina pa kita binato ng bola sa mukha.

"Hey uncle, ang aga-aga, ang init na agad ng ulo mo. Chill" narinig naming sabi ng isang babae.

Sabay-sabay naman kaming napalingon sa nagsalita. Whoa! In fairness, parang may anghel na bumaba sa lupa. Ang ganda ni Ate. Okay, girl crush, yiee. Pero mas maganda pa rin si Dani sa kanya.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon