Chapter 3

34K 721 62
                                    

A/N: At dahil kay RAD, nakagawa ulit ako ng isa pang chapter, woot! Pasalamat kayo sa kanya guys, tas pakisabi na din, mahal ko sya, hahahahaha! 

O sya, eto, basahin nyo na lang.  Medyo maikli lang to. Inaantok pa kasi ako eh. 

======================================================================

JULIE’S POV:

“Oh my gosh!” gulat na sabi ko sabay tulak kay Danielle. Bigla naman syang napaupo sa sahig.

“Aray ko naman! Ano bang problema mo?” reklamo nya.

Papanong hindi ko sya itutulak eh pag mulat ko ng mata ang lapit-lapit ng mukha nya sakin. Don’t tell me may plano na naman syang halikan ako? Eh sya yata yung lesbiana eh!

“Ikaw anong problema mo? Bakit ba manghahalik ka na naman? Umagang-umaga naman dalandan!” mataray na sabi ko sa kanya.

“Anong pinagsasabi mo dyan? Bat naman kita hahalikan?” nakataas ang kilay na tanong nya.

“Kung hindi mo ko hahalikan, bakit ang lapit ng mukha mo kanina?” tanong ko sa kanya.

“I was about to wake you up lesbo!”

“Ganun ka manggising? Ang inilalapit mo yung mukha mo?”

“Well, I was trying to listen to what you’re saying. Nagssleeptalk ka pala.” natatawang sabi nito.

“Tse! Wag kang gumawa ng kwento. Siguro ikaw talaga yung may gusto sakin no? Kaya mo ko hinalikan non?”

“Whoa whoa! Sabi ko naman sayo diba, kung magkakagusto man ako sa babae, hindi yung tipo mo. Chararat ka kaya!”

Ang yabang! O eh di sya na yung maganda.

“Kung makapagsalita ka naman akala mo ang ganda-ganda mo?!” inis na sabi ko pa.

Bigla naman syang ngumiti sakin ng matamis at pa-sweet na nagsalita.

“Bakit, hindi ba Jules?” sabi nito sabay lapit sakin.

Bigla na naman akong natulala sa kanya. Bakit ba kahit kakagising lang eh ganito yung itsura ng babaeng to? Wala yatang mali sa mukha nya eh. In fairness pati yung buhok nya ang bango-bango ng amoy.

“Tatanungin ulit kita, maganda ba ko Jules?” nang-aakit na tanong nya.

"O-oo" Gosh! Ano yun Julie? Anyare? Bat mo sinabi yon? 

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko nang mapansin na papalapit na naman yung mukha nya sakin. Umiwas ka Julie! Umiwas ka o kaya itulak mo sya bilis! Wag kang magpapadala sa pang-aakit ng halimaw na yan.

At hindi ko alam kung anong nangyayari sakin dahil hindi ako makakilos. Para akong naestatwa na hinihintay na lang yung paglapit nya. Napapikit na lang ako dahil ayokong tumingin sa mga mata nya. Mas lalo kasing lumalakas yung kabog ng dibdib ko.

Nagulat ako ng bigla na lang syang bumulong sakin.

“I won’t kiss you lesbo. Gagawin ko lang yon, pag ikaw mismo yung humiling sakin. And btw, pakibilisan ang kilos, may practice kami bago yung game and kailangan kita don bilang assistant ko. Hintayin na lang kita sa baba ha” at bigla akong kinilabutan nang kagatin nya yung tenga ko. Biglang nagtayuan lahat ng balahibo ko.

“Oh my gosh” gulat na sabi ko sabay mulat.

Nakita kong nakatayo na sya malapit sa pinto at nakangiting nakatingin sa akin.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon