A/N: O guys, pasensya na kung medyo natagalan yung update ko dito ha. Naging busy lang kasi talaga ko ng sobra. pero promise, gagawin ko yung lahat para matapos na agad-agad to at masimulan ko na yung next story ko. At tulad ng dati, sabaw lang sya kaya pasensya na talaga. Mamaya yung kay parrot naman yung iuupdate ko. Love you guys!
P.S.
Di ko sya inedit kaya kung may mali jan, sabihan nyo lang ako. Salamat ng madami! Mwah!
==================================================================
DANIELLE'S POV:
"Haba ng hair mo kahapon beh!" natatawang sabi sakin ni Jobs habang nagpapahinga kami sa bonggang training na pinagawa samin ni coach.
Napangiti naman ako sa sinabi nya dahil naalala ko yung surprise sakin ni Julie kahapon. Ang sinungaling ko naman kung sasabihin ko na hindi ako kinilig don. Yeah medyo corny pero sobrang hindi ko ineexpect na gagawin ng girlfriend ko yon. To think na nung una, ayaw pa nyang malaman ng iba na kaming dalawa na kasi nga, natatakot sya para sa career ko, pero hello, dahil sa ginawa nya kahapon, nalaman na yata ng lahat ng volleyball fans, or kahit hindi fan yung tungkol sa relasyon namin.
"Hala sige, wag mo kong pansinin at ngumiti-ngiti ka jan na parang nababaliw sa pagrereminisce sa mga nangyari kahapon" naiiling na sabi ni Jobs at pagkatapos ay pinitik yung noo ko.
"In fairness masakit yung pitik mo na yon!"
"Papano naman kase, kinakausap kita pero hindi mo ko pinapansin. Muntanga ka lang nakangiti habang nakapanghalumbaba dyan!"
"Hindi lang kasi ako makapaniwala sa nangyari kahapon"
"O? Ako din eh. Hindi ko akalain na yung lagi kong kasama sa pagtatawa dun sa mga baduy at corny na magjowa, eh makakaexperience din ng kakornihan."
Natatawang hinampas ko naman sya sa braso.
"Hindi naman korni yun ah!"
"O? Sige, kwento mo sa pagong! Ang keso nyo kaya kahapon. Medyo kinilabutan nga ako dahil napapayag ako ni Julie na umarte sa stage bilang ikaw eh. Medyo dehado pa nga ako don kase masyado kong maganda kumpara sa'yo"
"Napilitan ka lang don?" nakangiting tanong ko. Bigla ko kasing naalala yung ginawa nya kay Krissa kahapon sa stage e.
"Oo naman. Ilang beses kayang nakiusap yung girlfriend mo sakin"
Tumango-tango naman ako.
"So napilitan ka din na halikan si Krissa sa harap ng maraming tao?" panunukso ko sa kanya.
Nakita ko naman na namula bigla si Jobs at napalunok dahil dun sa sinabi ko.
"Ah, ano. OO naman! Napag-utusan lang ako ni Julie no! Ang sabi nya gawin ko lahat para magmukhang totoo. Ganon! Ganun lang yon! " medyo tumaas ng two decibels yung boses nya don.
Mas lalo namang lumapad yung ngiti ko dahil sa tono nya. D-E-F-E-N-S-I-V-E much ha!
"Ows? Tinanong ko naman si Jules kagabi nung nasa condo na kami, ang sabi nya, hindi naman daw nya sinabi sa'yo na totohanin mo yon" nakangiti pa ring sabi ko.
Ang totoo nyan, hindi naman talaga namin sila pinag-usapan ni Julie kagabi, may mga 'bagay-bagay' kasi kaming ginawa. Okay TMI! Gusto ko lang talagang hulihin tong kaibigan ko eh. Feeling ko kase, may 'something' sya sa bestfriend ng girlfriend ko.
"A-ang sabi nya kase, galingan ko daw kaya---"
"Kaya mo tinotoo yung kiss?"
"Hinde kase---"
BINABASA MO ANG
Slave For You
RomancePapano kung iniwan ka bigla ng Mama mo sa matalik nyang kaibigan? Tapos sinabi nya sayo na wag na wag kang aalis don dahil dun ka nya babalikan? Sabi naman nung mag-asawang kukupkop sayo, wala ka naman daw kailangang alalahanin dahil pwede ka daw tu...