A/N: Etoooo paaaa! hahahaha! O ayan, tatlong chapters para sa inyo. Konting-konti na lang matatapos na 'to. At konting-konti na lang, mababasa nyo na yung POV ni Dandan ko. Hahahaha!
Oops, para SA'YO ulit! Enjoy!
Di ko ulit inedit. Hahaha!
=========================================================
JULIE'S POV:
"Oh my gosh. Parang nangyari na 'to. Dejavu" natatawa pero naiinis na sabi ni Krissa nang mapagbuksan nya 'ko ng pinto.
"Baby, sino yan?" narinig ko namang tanong ni Jobelle.
Yes, magkasama na rin sila sa iisang condo ngayon. Wala eh, in love na rin yung sissy ko eh. And nandito ako ngayon para bulabugin sila dahil may naisip akong surprise kay Dani. Sabi ko naman diba, gagawin ko lahat para mabalik yung dati.
"Sino pa ba, eh di yung magaling kong bestfriend na parang alam ko na yung dahilan kung bakit ke-aga aga eh nambubulabog."
"Julie?" pupungas-pungas na sabi pa ni Jobelle.
"Ligo na kayo at magbihis. May pupuntahan tayo. Dali" nakangiting sabi ko.
"Jules naman, alas tres pa lang ng medaling araw. Late tayo natapos sa training kagabi, baka gusto mo muna kaming pagpahingahin?" inaantok pang sabi ni Jobelle.
"Jobs na pinakacute sa lahat, dun ka na lang sa resort matulog. Gusto ko lang kasing isurprise si Dandan eh."
"Isurprise?"
"Kasi nga nagdinner kami kagabi sa favorite resto namin" kinikilig na kwento ko.
"Sis, pwede bang wag kang kiligin sa harap namin dahil baka itulak kita palabas."
"Bitter nito! Fine! Ayun, nasabi nya na miss na miss na daw nya sila Ate Jing at yung mga teammates nyo noon sa Army Jobelle, kaya kinontak ko silang lahat para pumunta dun sa nirent ko na place sa Pansol. Buti na lang may kakilala ako don kaya nakapagpareserve agad ako para ngayon." Nakangiting sabi ko.
"Wow, at talagang ginawa mo 'yon ha para masurprise si Dani." Nakangiting sabi ni Jobelle. "I'm impressed. At least alam mo kung ano yung dapat mong gawin."
Tumango-tango naman ako.
"Of course, ako pa ba?" natatawang sabi ko. "Kaya habang masarap pa yung tulog ng Dandan ko sa condo, samahan nyo na kong mamili ng iluluto natin mamaya para sa mini get-together ng dating team nyo"
"Yes ma'am. Hintayin mo kami dyan, mabilis lang kami. Sabay na kaming maliligo para tipid din sa oras at tubig" pilyang sabi ni Jobelle.
"Hoy, wag! Maghiwalay kayo ng banyo dahil baka lalo kayong matagalan sa loob. Ang laswa nitong dalawang 'to" natatawang sabi ko.
"Porke sabay maligo, malaswa na? Eh di ibig sabihin--"
"KRISSA! Maligo na kayo. Dahil ayokong pumalpak 'tong surprise ko na 'to."
"Fine. Kinabahan ka naman agad" sabi pa nito sabay belat sakin.
Isa-isa ko namang tinext yung mga dati nilang teammates kung sure sila na makakapunta lahat at sinend ko din sa kanila yung address ng resort.
Wala pang 30 minutes ay sabay ng lumabas sa kanya-kanya nilang kwarto sila Krissa at Jobelle. In fairness, ang bilis ha. Ibig sabihin, sinusuportahan nila talaga ko sa gagawin 'kong 'to.
"So san tayo?" nakangiting tanong ni Jobelle.
"Sa market. Kailangan muna natin mamili ng ingredients para sa mga iluluto natin mamaya. At syempre hindi mawawala yung paborito nyang kaldereta don."
BINABASA MO ANG
Slave For You
RomancePapano kung iniwan ka bigla ng Mama mo sa matalik nyang kaibigan? Tapos sinabi nya sayo na wag na wag kang aalis don dahil dun ka nya babalikan? Sabi naman nung mag-asawang kukupkop sayo, wala ka naman daw kailangang alalahanin dahil pwede ka daw tu...