Chapter 23

20.7K 512 34
                                    

A/N: O ayan, dahil medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-update dito sa SFY, nagtry akong mag-isip. Bahala na kung magugustuhan nyo. Malamang may mga magsasabi na naman na bitin to, eh malamang, di pa completed eh, duh! Charot lang.

O sya, salamat sa mga magbabasa nito, ayan, na-update ko na pareho ha!

Labyu guys! Pagtyagaan nyo na lang tong update ko ha! hahahaha!

Dedicated pala to kay mscasimir13, sana magustuhan mo.

Enjoy guys!

O, di ko ulit na-edit kaya bahala ka na ulit pusa ^__^

==================================================

JULIE'S POV:

"Good Morning babe!" nakangiting bati ko sa maganda kong girlfriend.

Oh well, maganda kasi yung gising ko ngayon. Sarap kasi ng tulog ko last night at siguro naman, alam nyo yung dahilan non. Dahil don, napaaga yung gising ko at sinipag akong ipagluto si Dandan ko. Kailangan ko din namang bumawi dahil sa ginawa ko sa kanya kagabi diba? Hindi ko naman talaga gustong gawin sa kanya yun eh, kaya lang, may kung anong sumapi sakin para gawin sa kanya yon. Duh! Hindi lang naman si Dani yung nabitin don no! Ugh! TMI! Alam kong hindi nyo naman gustong basahin yung mga 'ganung' bagay.

At dahil nga nagtatampo pa rin sakin yung babe ko, hindi nya ko pinansin at dere-derecho lang na kumain ng tinapay. Ugh! Ni hindi man lang tinitingnan yung niluto ko para sa kanya. Hindi ba nya alam na pinaghirapan ko yon? Oo na, may kasalanan ako sa kanya, pero meron in naman sya diba? Kung hindi nila ko pinagkaisahan ng pamilya nya, hindi ko naman gagawin sa kanya yun eh! Tsk!

Nakangiti ko syang tinabihan at pinaghanda ng pagkain. At ang bruha, inirapan lang ako. Grabe ha, ang OA nyang magtampo. Ano to? Silent treatment lang?

"Babe, kain ka nito bilis, ako nagluto nito." Nakangiti pa ring sabi ko. Okay, alam kong kailangan ko syang suyuin.

"Malamang, sino pa bang magluluto nyan eh tayong dalawa lang naman yung nandito" malamig na sabi nya. Hah! At binara pa talaga ko ha!

Naramdaman kong natigilan sya nang bigla ko syang binack-hug pero agad ding nakabawi at ayun na naman yung signature 'pokerface' nya.

"Babe, sorry na kase. Bati na tayo, please" sabi ko pa habang nagpapacute at nagbbeautiful eyes sa kanya.

Pero ang bruha, kinalas pa yung pagkakayakap ko sa kanya at lumipat sa kabilang upuan. Oh eh di sya na yung pakipot! Ang arte! Sya na nga yung sinusuyo, sya pa yung umaarte.

Pero syempre, dahil alam kong ako nga yung may kasalanan, kailangan kong gumawa ng paraan para pansinin nya ko. Ayoko namang buong araw kaming ganito no. Yung parang hindi magkakilala.

"Huy Dandan ko, pansinin mo naman ako, Sorry na. promise, di ko nay un uulitin. Ikaw naman kasi eh, nakisali ka pa sa pang-aasar sakin ng family mo" nakapout kong sabi. Wag kayong mangelam at sabihan akong maarte, kailangan ko lang talagang gamitin yon para maawa naman sakin tong babaeng to. Kasama yon sa paawa effect ko.

Ugh! Waley pa rin, wa-epek! Ang tigas talaga ng babaeng to. Lumalabas na naman yung pagiging halimaw nya.

Lumapit ulit ako sa kanya at hinawakan yung pisngi nya. Nung una, umaayaw-ayaw pa sya at tinatanggal yung kamay ko, pero wala syang nagawa sa charm ko. Alam ko namang gusto rin nyang hawak-hawak ko yung pisngi nya no! Pakipot much!

Nakangiting iniharap ko yung mukha nya sakin. Nakapikit lang sya para hindi ko makita. Hay nako, nagmamatigas pa, di rin naman nya ko matitiis.

"Huy Dani, tumingin ka sakin bilis." Utos ko sa kanya.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon