A/N: O eto pa isa! Yun lang! TSE!
Ieedit ko lang dahil nakakahiya naman dun sa taong nagpakilala sakin kay Maria Ozawa. Kung hindi nya pinakilala yon, hindi nakakatawa 'tong chapter na 'to, haha. Maraming-maraming salamat sa isang mabuting kaibigan. The best ka! Mabuhay ka Kirindot! Hahaha!
===========================================================================
JULIE'S POV:
"O? Nakabusangot ka dyan?" natatawang tanong sakin ni Krissa habang nasa coaster kami at hinihintay yung iba pa naming kasama.
Wala kaming pansinan ni Dani kanina habang papunta dito sa meeting place. Badtrip pa rin ako sa kanya dahil sa kamanyakan nya. Ang aga-aga gustong umiskor. Ayaw man lang respetuhin yung pagkababae ko. At saka bwisit na halimaw yan, nung hindi ako pumayag sa gusto nya, biglang nagkaroon ng ibang babae na pagpapantasyahan, tsk! Manyak talaga.
"Sis, kilala mo ba si Maria Ozawa?" medyo napalakas yata yung tanong ko kaya napatingin samin yung ibang nakasakay sa coaster. Parang gulat na gulat sila sa tanong ko.
"At kelan mo pa sinimulang pagpantasyahan yung bebe ko?" biglang sagot ni Jobelle na galing sa kung saan.
Bigla namang nanlaki yung mata ko habang nagpapalit-palit ng tingin kay Jobelle at Krissa.
"Oh my gosh sis! Hindi ko akalain na ikaw pala sis! Ikaw pala" inis na sabi ko kay Krissa.
"Ako ang?"
"Ikaw yung pinagpantasyahan ni Danielle kanina nung hindi ko sya pinagbigyan!" mas lalong lumakas yung boses ko.
"ANO?!!" sabay-sabay na tanong ng mga kasama namin.
Si Krissa at Jobelle, ayun nakatulala.
"So sa tagal nating magkaibigan, sa ganito lang pala masisira?" sumbat ko kay Krissa.
"Baby, totoo ba 'yon?"
"Aba malay ko, ako ba yung nagpantasya? At saka wag tayong pakasiguro, alam naman nating lahat kung gaano kaslow 'tong si Julie diba?" narinig kong sabi ng bwisit kong kaibigan.
Wow at may gana pa syang hamakin at pagkatao ko matapos ng panloloko nila sakin ni Danielle.
Nakita ko naman na tumango-tango si Jobelle. Aba! Ang bilis naman syang napaniwala ng kaibigan kong AHAS!
"Sige ulitin natin. Sis, sure ka bang ako yung pinagpantasyahan ni Dani? Well, hindi ko naman sya masisisi kase hamak na mas maganda at sexy ako sa'yo pero kailangan pa rin naming makasiguro."
"Oo" matalim ang tingin na sagot ko sa kanya.
"Papano mo naman nasabi aber?"
"Sabi nya pagpapantasyahan nya si Maria Ozawa, at sabi mo Jobelle, si bebe mo yon, o diba si Krissa lang naman yung bebe mo? Jobs, iniiputan tayo sa ulo ng mga mahal natin, papayag ka ba non?"
Sukat don ay binatukan ako ni Krissa.
"O shunga ka talaga kahit kelan! Kelan pa naging Maria Ozawa yung pangalan ko?"
"Eh sabi ni Jobelle bebe nya."
"Artista yon!" naiiling na sabi ni Krissa.
Nahimasmasan naman ako at tumango-tango.
"Ah, sorry sis ha. Akala ko kasi eh pinagpalit na nya ko sa'yo eh. Nakakainsulto kase, parang bumaba bigla yung taste nya sa babae" natatawang sabi ko.
Bigla na naman akong nakatikim ng batok sa kanya.
"Aray ha! Nakakarami ka na. Nagsasabi lang naman ako ng totoo."
BINABASA MO ANG
Slave For You
RomancePapano kung iniwan ka bigla ng Mama mo sa matalik nyang kaibigan? Tapos sinabi nya sayo na wag na wag kang aalis don dahil dun ka nya babalikan? Sabi naman nung mag-asawang kukupkop sayo, wala ka naman daw kailangang alalahanin dahil pwede ka daw tu...