Chapter 36

12.8K 443 31
                                    

A/N: O ayan, tulad ng pinromise ko 'mylabs' eto na yung update ko. Nakakahiya naman sa'yo eh, baka sabihin mo hindi ako tumutupad sa pangako, hahaha! Pasensya na kung eto lang nakayanan ko, wala na talaga 'kong maisip eh. May isang chapter pa kasi akong kailangang gawin mamaya, TSE! hahaha! O sya, enjoy na lang.

P.S. Hindi ko naedit, at pasensya na kung eto lang yung nakayanan ko. Hahaha! Enjoy Guys! CIAO!


===================================================================

JULIE'S POV:

"Hay salamat makakapagpahinga din!" malakas na sabi ko sabay salampak sa sofa. Ugh! Sobrang nakakastress at nakakapagod kasi yung araw na 'to. Tapos eto pang si Danielle, bukod sa biglang sumulpot kanina, bigla pa akong inakit dun sa cubicle. Kailangang-kailangan ko talaga ng pahinga ngayon. Tapos yung bwisit kong bestfriend, kung anu-ano pang pinagsasabi sakin habang nasa byahe kami.

-FLASHBACK-

"Meron akong nakita, hindi ko sasabihin" pakanta-kanta pa sya habang pasakay kami ng coaster"

"At ano naman 'yon?" takang tanong ko sa kanya.

Nakita ko naman na inginuso nya yung nasa kaliwa ko. Agad naman akong lumingon dito.

At ganun na lang yung kabog ng dibdib ko nang magtama yung tingin namin. Agad ko naman binawi yung tingin ko at patay malisyang tumingin kay Krissa.

"Ayun naman eh. Kakanta na ba 'ko ng 'Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig, muling pagbigyan ang pusong nagmamahal"

Agad ko naman syang binatukan. Seriously? Bakit ba kapag meron mag-ex na biglang nagkita ulit at nagkasama sa isang event, or party, or kahit sa work, hindi pwedeng hindi kakantahin yung song na 'yon. Hindi ba pwedeng ibang kanta na lang? Kunwari yung 'we are never ever ever getting back together' pero syempre ayokong 'yun yung kantahin ni Krissa para samin, masyadong nega eh. Pero uulitin ko, hindi ako umaasa na magkakabalikan kami ni Dani. Sa laki ba naman ng kasalanan ko sa kanya, ang kapal naman ng mukha ko na umasa na babalikan nya 'ko no! Na ako yung dahilan kung bakit sya bumalik at sumali dito sa team. At isa pa, kailangan ko munang makausap si Reya.

"Huy Julie ano na?!" narinig kong tawag sakin ni Krissa kaya bigla akong bumalik sa wisyo.

"Baka gusto mo ng umakyat Concepcion dahil mahaba na yung pila sa likod ko" bigla namang tumaas lahat ng balahibo ko dahil dumikit yung lips nya sa tenga ko. Jusko, na naman? Hanggang dito ba naman Danielle San Jose?

Dali-dali naman akong umakyat sa coaster at tumabi kay Krissa para maitago yung kaba at kilig na nararamdaman ko.

"Ayan tayo eh. Kanina sa CR, tas dito." Naiiling na sabi ni Krissa.

"CR?"

"Sa shower area, duh!"

Nanlaki naman yung mata nang marinig yung sinabi nya.

"Oh my gosh!" don't tell me, nakita nya at narinig lahat?

"Yes bestfriend, tama nga ang iniisip mo, nandun ako nung time na nag-aano kayo --" bigla kong tinakpan yung bibig nya dahil baka may makarinig samin. Nakakahiya kaya, baka kung anong isipin ng mga tao. Wala naman kaming ginawang masama eh.

"Sis, megaphone gusto mo? Announce na kaya natin dito sa buong team?" inis na bulong ko sa kanya.

"Sorry naman, naexcite lang kasi ako eh. Kaya nga iniwan ko na lang kayo ulit sa loob nung may narinig akong--"

"Shut up Krissa please!" namumulang sabi ko.

"Ases, ang sissy ko, namumula, kinikilig ka no?"

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon