Chapter 28

20.7K 542 46
                                    

A/N: woot! 2 down, 1 to go. Sana lang talaga hindi pa ko antukin para matapos ko din yung kay parrot. O ayan, inupdate ko na to kase mahal ko kayo. Medyo napapangiti ako sa update ko na to kase cute na cute talaga ko pag may nakikita kong torpe, hahaha!

O sya, enjoy guys! Di ko 'to inedit ha!

May bago nga pala kong story guys, baka gusto nyong basahin habang naghihintay kayo sa matagal na update nito, hahaha! My Love Guru yung titol nya.

=================================================================

JULIE'S POV:

"Babe, hanggang ngayon ba naman hindi mo pa rin ako papansinin?" pang-aamo ko sa babaeng nag-aala monster na naman.

Ewan ko ba dito. Nagmamadaling umuwi kagabi kasi sabi ko nga may surprise ako tapos nung pinakita ko yung surprise ko, bigla ba naman akong winalkoutan at wag ko daw muna syang kakausapin. Tsk, hindi ko na talaga sya maintindihan. Pinaghirapan ko kayang igawa sya ng cheesecake tapos dededmahin lang nya. Akala ko pa mandin excited sya kaya sya umuwi agad. Hindi man lang nya naisip na nag-effort ako para don. Tapos sya pa yung may ganang magalit ngayon. Ang sama nya talagang monster sya.

At ngayon, imbes na pansinin ako, inirapan nya lang ako. Grabe talaga, ano na naman bang ginawa ko?

"Uy Babe, kausapin mo na kase ko. Ano ba kasing problema?"

"Wala" malamig na sagot nya.

"Wala pero ganyan ka?"

"Wala nga kase. Wag mo na lang akong pansinin."

"Papanong hindi ko papansinin yan eh simula nung umuwi ka kagabi, hindi mo na ko kinausap. Ano na naman bang ginawa ko?"

"Wala nga"

At dahil sobrang tigas ng ulo ng babaeng to, nilapitan ko na lang sya at iniharap sakin yung mukha.

"Please, sabihin mo sakin kung ano yung problema. Ayoko kasing ganito tayong dalawa eh" malungkot na sabi ko sa kanya.

"I'm sorry" seryosong sabi nya sakin.

"Para saan?"

"Kase alam kong nag-effort ka para gawin yang cheesecake na yan para sakin pero hindi ko pinansin. Nagalit pa ko sa'yo kase ibang surprise yung ineexpect ko." pagkatapos ay hinawakan nya yung mga kamay ko. "Tingnan mo nga to, napaso ka pa dahil sakin. Sorry talaga Babe" seryoso pa ring sabi nya.

"Sus, wala yon, baka pagod ka lang kasi nga sabi mo, maghapon kayong pinahirapan ni coach. Saka etong paso na to, wala to, kasalanan ko din naman eh"

"Kasalanan kasi ng maduming isip ko eh" nakatungong sabi nya.

Bigla naman akong napangiti dahil sa inasal nya. Pulang-pula kasi sya habang nakatungo. Halatang hiyang-hiya dahil kamanyakan na naman yung pinairal nya kagabi.

"Ikaw talaga Babe. Tsk, puro ganyan nasa isip mo. Masyado kang nagmamadali eh." Naiiling na sabi ko sabay pisil sa ilong nya.

"Aw, aw, ouch Babe." Reklamo nya sabay himas sa namumula nyang ilong. "Akala ko lang kasi eh, ang seductive kase ng way ng pagsasabi mo na may surprise ka eh" reklamo pa nya.

Wow ha, at ako pa talaga yung nang-akit sa kanya. Eh sya tong berde lagi yung iniisip eh. Hay nako, ganun ba talaga kapag ilang taon sa states? Medyo nagiging wild sa, uhm, basta alam nyo na yon, hehe. Hindi tulad naming mga lumaki dito sa Pinas, mahihinhin, mga dalagang Filipina, hindi makabasag pinggan.

"Heh! Wag mong ipasa sakin yang pagiging green minded mo!"

"Pero alam mo babe, kung gusto mong ibigay sakin yung surprise na yon, go na go ako" sabi pa nya sabay kindat.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon