A/N: O eto na yung update na hinihintay nyo. Medyo maikli lang yan ha, aalis kase ko. Sana magustuhan nyo guys! Medyo nahirapan din ako sa update na to, basta mahirap para saking isulat to, hahaha!
Di ko ulit sya na-edit so pakisabi pag may mali erkey? Later guys! Mwah!
=======================================================================
JULIE'S POV:
"Aray ko naman RJ! Wag mo kasing pilitin, masakit nga kase!" nanlaki yung mata ko sa narinig.
Boses ni halimaw yun ah! At anong ginagawa nila ni RJ sa loob ng locker room? Nung patapos na kasi yung 3rd set nung match, nagkamali ng bagsak yung paa ni Dani kaya dinala sya agad ng teammates nya dito sa locker room. Nag-aalala pa mandin ako sa kanya tapos ganito lang pala yung maririnig at madadatnan ko?!
"Masakit lang naman kasi talaga sa una to, pero pag tumagal, magugustuhan mo rin to at gagaan yung pakiramdam mo." Narinig ko pang sabi ni RJ.
Ang mga manyakis na to. At talagang dito pa gumagawa ng kahalayan. At etong halimaw na to, akala ko ba ayaw na nya kay RJ? Sinungaling! Taksil!
"Dahan-dahan kase, masakit nga kase!" parang naiiyak pa na sabi ni Danielle.
This is it! Wala akong pakelam kung ano man yung makikita ko sa loob pero kailangan kong pigilan yung ginagawa nila! Hindi ako papayag, ako dapat yung gumagawa nyan kay halimaw. Chos! Juice colored Julie, nagiging manyakis ka na talaga.
"O sige ha, eto na, ipapasok ko na!"
Agad kong binuksan yung pinto.
"Mga tak—" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil pareho silang napatingin sakin. Hawak-hawak ni RJ yung paa ni Dani at pilit isinusuot yung yung sapatos ni halimaw.
Sabi ko nga ako lang yung malisyosa eh. Tinutulungan lang naman pala ni RJ si halimaw. Hinilot lang pala yung paa nya.
"Yes Jules?" nakangiting tanong ni halimaw.
"Ah eh, akala ko kase kung napano ka na"
"Oh I see. Ano yung sasabihin mo dapat kanina? Tak-what?" mas lalo pang lumapad yung ngiti nito. Hindi ko alam na ganito katalino tong halimaw na to na parang alam kung ano yung laman ng isip ko kanina. At alam kong pinagtatawanan nya ko ngayon sa isip nya. Ang tanga lang kase Julie, ang bastos ng isip mo!
"Mga tak-tak-tak" shet, mag-isip ka Julie, wag mong hayaang magmukha kang tanga sa harap nilang dalawa.
"What Jules?" at hanggang mata pa yung ngiti ng halimaw ha!
Paglingon ko kay RJ, halatang pinipigil lang din yung tawa. Mga bwisit na to! Ang pangit kasi ng usapan nila eh, kala ko kababuyan eh!
"Mga tak—" nakng! Bat ba wala akong maisip na salita na nagsisimula sa tak?
"Sige Dani, Julie, una na ko, baka hinahanap na rin ako ng teammates ko eh" paalam ni RJ. Oh no! Wag mo kong iwan mag-isa kasama ng halimaw na to dahil hindi ko gusto yung mga ngiti nya.
"Sige, salamat RJ ha" narinig kong sabi ng halimaw.
Nakatungo ako kaya narinig ko na lang yung pagsarado ng pinto. Eto na, humanda ka na Jules. Hindi na rin ako nagulat nang makarinig ng 'tik' na sound, alam kong ilolock talaga ng halimaw yung pinto.
"So Jules, ano yung gusto mong sabihin kanina?" narinig kong sabi nya habang paika-ikang lumalapit sakin.
Tingnan mo tong halimaw na to, injured na nga, may gana pang mambully.
"A-ano kase, yung ano—"
"Nakikinig ka sa usapan namin no?"
"H-hindi naman, nagkataon lang kase na pupuntahan sana kita—"
BINABASA MO ANG
Slave For You
RomancePapano kung iniwan ka bigla ng Mama mo sa matalik nyang kaibigan? Tapos sinabi nya sayo na wag na wag kang aalis don dahil dun ka nya babalikan? Sabi naman nung mag-asawang kukupkop sayo, wala ka naman daw kailangang alalahanin dahil pwede ka daw tu...