Chapter 31

17K 424 49
                                    

A/N: Sa hinaba-haba man daw ng panahon na hindi ako nakapag-update, eto na ulit ako, hahaha! Buti na lang bigla akong inatake ng kasipagan kaya may naisip akong update. Pasensya na talaga kung natagalan ha. Dapat nga ihohold ko na tong stories ko eh. Medyo busy kasi talaga eh. Ttry ko kung kakayanin ko din iupdate yung DFY and MLG ha, pero wala talagang kasiguraduhan yon. O sya, enjoy na lang guys. Labyu.

Di ko pala naedit so kung may mali, kebs ko, hahaha!

=====================================================================

DANIELLE'S POV:

"Huy halimaw! Ba't ba parang balisa ka nitong mga nakaraang araw, may problema ka ba?" takang tanong sakin ni Julie.

Nandito kami ngayon sa condo. Free time namin pareho eh. Medyo nagguilty nga ako kase minsan na nga lang kami magsama ng isang buong araw, wala pa dito yung isip ko. Kasalanan kasi 'to ni Rei eh, hindi ko alam kung bakit pa sya bumalik dito. At kung bakit kailangang sundan nya kami lagi ni Julie. Yeah sa ngayon, wala pa syang ginagawa or hindi pa nya ko kinokontak, pero kilala ko si Rei, alam kong may binabalak sya. At kung ano man yon, sana lang wag nyang idadamay si Julie.

"Huy Dani!" sabi pa nya sabay kulbit sakin.

Kailangan ko munang tanggalin sa isip ko yung babaeng yon at magfocus dito sa magandang babae sa harap ko.

Ngumiti naman ako kay Julie.

"Babe, pagod lang ako. Kung alam mo lang kung papano kami pahirapan ni coach every training kase threatened sya sa team nyo. Nandun ka daw kase" sabi ko sabay pisil sa ilong nya.

"Sus, ibang klase din yang coach nyo eh no? Ako pa mismo yung kakatakutan eh baguhan lang naman ako. Ano namang panama ko sa isang Danielle San Jose"

Mas lalo naman akong napasmile dahil ang cute cute ng itsura ngayon ni Julie. Namumula sya at parang hiyang-hiya.

"Sus, minamaliit mo ba yung sarili mo babe?"

"Hindi naman pero mala-Valdez ka eh, ilang beses na nag-MVP samantalang ako puchu-puchu lang."

"Talaga? Kung puchu-puchu ka, bat kailangan ka naming paghandaan?"

"OA ka! Hindi lang naman siguro ako yung pinaghahandaan no! Saka kahit kami din kaya, grabe kung pahirapan ni coach. Ask mo pa si Krissa. Sabi nga nya, sana hindi na lang daw sya lumipat ng team. Buti na lang talaga mabait yung assistant coach namin" iiling-iling na sabi pa nya.

Bigla naman akong natahimik nang mabanggit na naman nya si Rei. Hmmm, mabait sa kanya? Sana lang talaga walang gawin si Rei kay Julie. Sana lang talaga.

"Halimaw! Huy! Nawala ka na naman bigla dyan. Nasstress na ko sa'yo ha!"

"May sinasabi ka ba?"

"Ay wala wala! Kinakausap ko lang yung sarili ko."

"Jules, how's Rei as an assistant coach?" biglang tanong ko sa kanya. Kahit ako, nagulat din kung bakit ko biglang tinanong.

"Si Ate Reya? Sobrang bait nya and sobrang galing magturo. Grabe, nakakatuwa nga kase ako yung tinututukan nya. And sabi pa nya, kung may kailangan ako, lapit lang daw ako sa kanya." Nakangiting sagot nya na parang gustung-gusto nya talaga si Rei.

"Oh I see"

"Oo, tapos andami nyang itunuro sakin na bagong techniques, ang galing nya talaga."

"Oh?"

"Yeah and ang ganda pa. Hindi nga sya halatang 30 na diba? Akala ko talaga ka-age natin sya."

Tumango-tango naman ako.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon