Chapter 34

12.3K 397 32
                                    

A/N: O alam kong nainis kayo dun sa huling update ko. Pasensya na kung medyo mabilis yung pangyayari, pero yun kasi talaga yung plano ko matagal na. Sorry talaga, hayaan nyo, babawi ako sa inyo sa mga susunod na panahon, hahaha! pasensya na rin pala yung matagal yung update ha, alam nyo na, busy lang kase sa mga bagay-bagay, hahaha!

O sya, eto na yung pinakahihintay nyong update. Enjoy guys!

Di ako nag-edit so kung may mali, kebs na lang, hahaha! CIAO!

===================================================================

JULIE'S POV:

"Teka lang naman saglit, bakit parang hindi man lang nila tayo tinanong kung okay lang satin yung gagawin nila?" narinig kong reklamo ni Reya kay coach.

Medyo nagulat ako dahil ngayon ko lang ulit narinig na nagtaas sya ng boses. Lagi kasi syang kalmado kahit noon pa. Pero ngayon, parang galit na galit talaga sya.

"Rei, decision nila yon at wala tayong magagawa. Coach lang ako, at assistant coach ka lang."

"Yun na nga Tito. Diba? Sana naman respeto lang sa'tin. O kahit sa'yo na lang! Dapat hindi agad sila nagdesisyon! Dapat hinintay muna nila yung sagot natin."

"I'm sorry but we have to respect their decision. Kung ayaw mo, feel free to resign" seryosong sabi naman ni coach na ikinabigla naming mga nakakarinig ng usapan nila. Whoa! Seriously? Si coach? Pinagreresign si Rei?

"Yun lang ba? Okay, magreresign kami ni Julie!" narinig kong sabi pa ni Reya kaya biglang napatingin sakin si Krissa.

"Sis?" takang tanong nito sakin.

Umiling lang ako. Hindi ko rin kasi alam kung bakit sinabi ni Reya 'yon. Oo girlfriend nya 'ko pero wala syang karapatan na pangunahan ako sa mga gusto kong gawin.

"No! Hindi pwedeng umalis si Julie. This team needs her." Sabi ni coach.

"I'm sorry Tito pero buo na yung desisyon namin"

"Ninyo? Really. Okay then, let's ask her." Si coach. "Julie?" tawag pa nito sakin.

Lumapit naman ako sa kanila. Agad hinawakan ni Reya yung kamay ko nang makalapit ako sa kanilang dalawa. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Yes coach?" tanong ko kahit alam ko na kung ano yung sasabihin at itatanong nila sakin.

"Narinig mo naman siguro yung usapan namin ng girlfriend mo kanina diba?" tanong nito.

Well, malamang, ang lakas ng boses nyo pareho eh. Kahit siguro nasa kabilang part kami nitong gym eh maririnig pa rin namin yung usapan nyo. Duh!

Pero syempre, tumango lang ako, dahil baka mabato ako ng hawak na bola ni coach kung yun yung sinagot ko.

"And?"

"And ano po?"

"Aalis ka din ba dito sa team?"

Tumingin muna ako kay Reya bago sumagot. Nakita kong tumango sya sakin at medyo hinigpitan nya yung hawak sa kamay ko. hmmm, maiintindihan naman siguro nya yung isasagot ko if ever. Alam naman nya na matagal ko ng pangarap 'to eh.

Umiling ako kay coach. Sabay bitaw sa kamay ni Reya. Nawala naman yung ngiti kanina sa labi ng girlfriend ko. Nagtatanong ang mga matang tumingin sya sakin.

"I'm sorry Rei, pero alam mo naman na matagal ko ng pangarap na makasali sa national team. Kahit si -" bigla akong natigilan dahil lalong kumunot yung noo nya. "Basta, hindi ako magreresign. Magsstay ako sa team na 'to kahit anong mangyari" determinadong sabi ko sa kanya.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon