Chapter 21

23.7K 590 75
                                    

A/N: O eto na po yung update ko, pasensya na kung natagalan ha. Dami lang po kasi talagang ginagawa. Gumising na nga lang po ako ng maaga para maupdate tong isang to, ttry ko po later yung isa. Salamat sa pagbabasa.

Di ko ulit inedit ha, gutom na ko eh, kain lang ako ng breakfast ^_^

Idededicate ko pala to dun sa isa kong pinsan na kinukulit ako sa pag-uupdate ng story na to, o sya eto na, enjoy!

=========================================================================

JULIE'S POV:

"Nasan na ba sila mommy at daddy?" narinig kong tanong ni Dani kay JR.

Medyo napaaga kasi kami kaya pagdating namin, etong sila JR at Marky pa lang yung nasa bahay. Kaya etong si Dani, hindi mapakali, papano ba naman, kanina pa tingin ng tingin sakin tong bwisit na Marky na to. Siguro kung hindi lang nakapagpromise tong si 'hal' sa mommy nya eh malamang kanina pa ko hinila nito palabas ng bahay.

Eto naman kasing Marky na to, pang-asar pa, alam na nga nya kung gaano kaselosa tong girlfriend ko, sige pa ng sige pagpapacute. Pag itong isang to, nag-ibang anyo na naman at nagpakahalimaw, hindi ko to aawatin, bahala syang masaktan, nakakabwisit kasi eh.

"Kalma lang sis, malapit na daw sila, natraffic lang daw, may binili pa kasi sila eh. Hintay-hintay ka lang dyan"

"Papano ko kakalma eh nakakabwisit yang pinsan mong yan?" sabay turo nito kay Marky. "Pag hindi ka pa tumigil ng kakatingin sa girlfriend ko sasapakin na talaga kita!" eto na ng aba yung sinasabi ko eh. Ayan, malapit nang magtransform yan.

"Hey, may mata ako so hindi naman siguro masamang tingnan yung baby ko"

At dahil sa sinabing yon ni Marky, mas lalong naningkit yung mata ni hal. Yan kase, magbiro ka na sa lasing, wag lang kay Dani na selosa.

"Anong sinabi mo?" galit na sabi nito na parang gusto pang tumayo at biglang pagsasapakin si Marky, buti na lang, hinawakan ko yung mga kamay nya kaya medyo kumalma sya ng konti.

"Ang sabi ko----"

"Mak stop!" narinig kong sabi ni JR.

"Why? Threatened pa rin ba yung kapatid mo sakin?" aba't ayaw pa rin talagang magpapigil nito ha! Ang laki talaga ng problema nya o!

"Marky pwede ba tigilan mo na si Dani! Tigilan mo na ko! Hindi na nakakatuwa yung ginagawa mo. Hindi na ikaw yung Marky na nakilala ko at minahal ko noon!" inis na sabi ko dito.

"Oh well, pasasaan ba at babalik ka din sakin"

At dahil galit na galit na talaga si Dani, hindi na namin sya napigilan ni JR nang nilapitan nito si Marky at biglang kinwelyuhan.

"Hindi ka ba talaga titigil dyan sa mga walang kakwenta-kwenta mong sinasabi ha?! Kanina ka pa ha! Alam mo kung hindi matanggap na kaming dalawa na ni Julie, umalis ka na lang at bumalik sa pinanggalingan mo!" galit na sabi ni hal.

Agad naman namin silang inawat ni JR. Ayoko naman kasing madatnan kami nila Tita Catherine at Tito Daniel na ganito. Nakakahiya. Minsan na nga lang kami dumalaw ni Dani dito, gulo pa yung maabutan nila.

"Marky please lang. Nandito ka sa bahay namin kaya sana igalang mo naman kami, o kahit sila mommy at daddy na lang!" medyo inis na rin na sabi ni JR dito.

"Sige titigil ako, pero eto yung tandaan mo Julie, hinding-hindi ka makakayang ipagmalaki nyan ni Dani kahit kanino dahil bawal yang relasyon nyo! Masisira yung career ni Julie at sigurado kong itatakwil sya nila Tito at Tita pag nalaman na pinatulan ka nya!" sabi pa nito.

Sasagot pa sana si Dani pero bigla kaming may narinig na busina. Malamang nandito na yung parents nila. Nakita kong huminga muna ng malalim si Dani bago lumapit sa may pinto. Kailangan nyang kalmahin yung sarili nya para hindi mahalata ng parents na nya may hindi magandang nangyari dito kanina.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon