Chapter 41

12.8K 384 23
                                    

A/N: Sa mga kinauukulan: Ilang beses ko na pong sinabi sa inyo na kung kakaupdate ko lang, wag naman hong patigasan ng fes na UPDATE PO O BITIN yung icocomment nyo. Kung wala po kayong ibang sasabihin, wag na po kayong magcomment, magbasa na lang kayo. Dahil seryoso, hindi madaling magsulat. Try nyo kaya bago kayo gumanyan? Hindi na kasi nakakatuwa. Nakakawalang ganang mag-update. Malamang kase bitin yan kasi nga hindi pa tapos. Eh kung ayaw nyong mabitin, eh di saka nyo na basahin pag completed na. Okay yun lang.

Hindi ko inedit 'to kaya kebs ko kung may mali. Enjoy!

===============================================================================

JULIE'S POV:

"Good Morning beautiful!" nakangiting bati ko kay Dani paglabas nya ng kwarto. Hay, bakit ang unfair talaga ng life? Bakit may mga taong kakagising pa lang eh ang ganda-ganda na? Bakit ako paggising ko, ugh, nevermind.

"Good Morning din Jules" sabi nya na pupungas-pungas pa. "Ano yan?" tanong nya nung makita yung tray na hawak-hawak ko.

"Ah eto? Dadalhin ko sana sa kwarto mo. Breakfast in bed" nakasmile pa rin ako. 

Bigla namang kumunot yung noo nya.

"Akala ko ba nasa rules---"

"Hep hep! Sa rules ko yon. Pero hindi mo nilagay sa rules mo, so technically, pwede akong pumasok sa kwarto mo. Kaso lang, ayan nga lumabas ka na, so sabay na lang tayong magbreakfast sa dining area"

"Hmmm, pwede naman akong pumasok ulit at dun tayo magkainan. I mean, kumain ng sabay."

Umiling-iling naman ako. Manyak na 'to, ang aga-aga yun agad iniisip.

"Di na. Dito na tayo sa dining area para safe."

"Hmmm, maganda yan, ngayon ko lang mattry na----"

"DANIELLE!"

"Na kumain ng maaga ulit. At luto mo pa." natatawang sabi nya.

Naiiling na lumakad na lang ako papuntang dining area. At yung halimaw, nakasunod lang habang nakangiti pa rin.

"Ano pala yan?" tanong pa nya nung makita yung white rose na nasa tray.

"Yan yung kakainin mo sana" may pagkasarcastic na sabi ko. Kung hindi ba naman kasi sya shunga eh di malamang bulaklak yan na para sa kanya.

Mas lalong naging pilya yung ngiti nya habang tumatango-tango.

"Hmmm, papano mo nalaman na mahilig akong kumain ng bulaklak. Lalo na yan, ang puti-puti." Sabi pa nya habang tumataas taas yung kilay nya.

"Grabe ka din no? Ganito kaaga pero kamanyakan yung iniisip mo" sabi ko sabay bato sa kanya nung bulaklak.

Agad naman nya itong sinambot.

"Wag, masasaktan ang bulaklak. Baka madumihan, hindi ko na makain." Sabi nya habang hinihimas-himas yung rose. Ugh Danielle! Hindi ka pa rin nagbabago.

"Bastos!" medyo inis na sabi ko. Sino ba namang hindi mabbwisit sa babaeng 'to? Eh hello, nagpakahirap ako na umeffort para sa kanya pero puro kabastusan na naman yung nasa isip.

"Anong bastos don? Eh diba may mga bulaklak naman talaga na kinakain? Ikaw Jules ha, ikaw yung green minded eh. Halos lahat ng sinasabi ko, iniisip mo bastos na. Tsk, ikaw ha, gusto mo bang bastusin kita?" nang-aasar pang sabi nya.

Sinamaan ko naman sya ng tingin sabay tingin sa bagay na nakalagay sa may malapit sa pinto. Nakita ko naman na sinundan nya yung tingin ko kaya nanlaki agad yung mata nya at napalunok-lunok.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon