Chapter 32

18.3K 415 39
                                    

A/N: Yey! Nakapagsulat din ng update dito. Pasensya na talaga kung sobrangggggg taggggaaaaal bago ko nakapag-update, busy lang kasi talaga eh. Sorryyyy pooooo. O sya, eto na sila, basahin nyo na lang. Mwah!

=================================================

JULIE'S POV:

"O sis, anong ginagawa mo dito? Akala ko ba pahinga nyo ngayon ni Dani?" takang tanong sakin ni Krissa nung pumasok ako sa gym.

Tumingin lang ako sa kanya at sa iba pa naming teammates na nagttraining. Actually, pinayagan naman talaga ko ni coach na wag na munang umattend ng training sa tulong na rin ni Ate Reya, eh kaso mo, nambswisit si halimaw. Ang sabi nya saglit lang sya makikipag-usap kay JR and sabay kaming maglulunch. Pinagluto ko pa kaya sya. Pero anong ginawa nya? Bukod sa inindyan na nya ko, hindi ko pa sya makontak. Tawag ako ng tawag pero cancel lang sya ng cancel ng tawag, tapos nung tnry ko ulit, ayun naka-off na. Ni hindi ko alam kung nasaang lupalop na sya ngayon.

At kesa magkulong lang ako sa condo at magpakabwisit sa nangyari, umattend na lang ako ng training para mailabas ko rin lahat ng inis ko kay halimaw. Wag na wag talaga syang magpapakita sakin mamaya dahil humanda talaga sya sakin. Tamang-tama, nasa condo pa yung baseball bat ni JR.

"Uy sis! Ano to? Galit sa bola?" pansin ulit ni Krissa habang pumapalo ako.

"Nakakainis lang kase!" sabi ko habang pinapalo-palo pa rin yung bola.

"Nag-away na naman kayo? Aba halos araw-araw na yang tampuhan nyong yan ah. Pero dahil kayong dalawa yan, alam namin na mamaya lang onte, bati na agad kayo. Konting lambing lang naman ng girlfriend mo sa'yo eh bibigay ka na agad. Kilalang-kilala na namin kayo no!"

"Iba ngayon! Hindi mangyayari yon! Humanda talaga sya sakin!" inis na sabi ko pa rin.

"Eh bakit nga?"

"Sis, alam mo yung nag-effort kang iluto yung paborito nyang ulam kase minsan na nga lang kayo magkaron ng free time, tapos sinabi din nya na sabay kaming maglulunch, pero anong ginawa nya? Inindyan nya ko at malala pa, pinatayan ako ng phone. Konti na lang talaga iisipin kong may kababalaghan ng ginagawa yang si Dani eh. Baka hindi nya alam na napapansin ko na ilang araw na syang parang wala sa sarili nya."

"Asus naman sis, si Dani pa ba yung pagdududahan mo? Eh mula bata pa kayo, mahal ka na non. Wala ka bang tiwala sa kanya?"

"Alam ko naman na hindi kayang gawin ni Dani yon pero kase alam kong may gumugulo sa isip nya ngayon pero ayaw nyang sabihin sakin. Ang sabi namin non, walang secrets tapos ngayon, may sinisikreto na sya."

"Tinanong mo na ba sya?"

"Oo."

"Anong sabi nya?"

"Pagod lang daw sa training. And nappressure sila sa coach nila."

"O yun naman pala eh. Hindi ka naniniwala?"

"Naniniwala, pero---"

"Ayan sis, dyan nagsisimula sa pero na yung problema eh. Magtiwala ka na lang sa kanya okay?"

Tumango na lang ako. Tama naman si Krissa eh. Mali talaga na pag-isipan ko ng masama si Dani. Tulad nga ng sabi ni Krissa, masyado akong mahal ni Dani para gumawa sya ng kung anong kalokohan. Baka nga napaparanoid lang ako kase feeling ko talaga may tinatago sya sakin. Pero si JR naman yung kasama nya so hindi naman talaga ko dapat maghinala. Baka sobrang seryoso lang talaga yung usapan nilang magkapatid kaya hindi sya nagpapaistorbo.

Julie, TIWALA. Magtiwala ka kay Dani.

"O Concepcion, anong ginagawa mo dito? Akala ko ba masama yung pakiramdam mo?" tanong sakin ni coach.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon