Chapter 15

26.4K 619 89
                                    

A/N: O eto, wala kong maisip eh kaya pagpasensyahan nyo na lang to. hahaha! mamaya iuupdate ko yung isang story, pag sinipag ako hahaha! O di ko ulit inedit to ha, pakisabi na lang kung may mali dito.

Nga pala, dedicated tong chapter na to kay nele23, maiintindihan mo din kung bakit pag nabasa mo to, hahaha! at feeling ko, magrereact talaga kayo ng beastie mo sa chapter na to, hahaha!

=========================================================================

DANIELLE'S POV:

"Jules, may nagtext sayo!"

"Pakibasa na lang ng malakas!" napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.

Aba, at inutusan pa ko ng babaeng yon ha! Kahit kelan, never akong inutusan ng parents ko, pero sya kung makautos wagas ha! Pero syempre, dahil mahal ko sya, sinunod ko yung utos nya.

"Si Krissa! Manood ka daw ng game nila bukas! May laban daw sila sa Cagayan!" basa ko sa text sa kanya.

Oo nga pala, laban na nila bukas, tapos kami naman sa isang araw. Buti na lang talaga at medyo ok na yung pilay ko dahil hindi pwedeng hindi ako makapaglaro sa match namin laban sa air force. Ang tanga kasi ng paa ko eh, mali ng landing sa floor. Tsk!

"Ok, mamaya ko na lang sya rereplyan" narinig kong sabi nito.

Dapat lang! Alangan namang utusan pa nya ko na replyan yung kaibigan nyo no!

Ibabalik ko na sana yung phone sa side table nang bigla kong napansin yung pangalan ni Marky. Alam kong maling makialam ng gamit ng may gamit pero kailangan kong malaman kung ano yung pinag-uusapan nila.

Huminga muna ako ng malalim bago binuksan yung message.

"Let's talk, I'll wait for you later. Sa favorite restaurant natin, I love you" bigla akong may naramdaman na kung anong kirot sa dibdib ko.

So hanggang ngayon pala nag-uusap pa rin sila?

No Dani, sinabi mismo sayo ni Jules na hindi na sya makikipagbalikan sa lalaking yon.

Wala sa sariling ipinatong ko na lang ulit yung phone sa side table. May tiwala ako kay Julie. Alam kong seryoso sya nang sinabi nyang hindi na nya mahal si Marky. At kahit hindi nya aminin, alam kong mahal nya na rin ako. Ako yung pinili nya diba?

Natigil lang yung pag-iisip ko nang makitang nasa harap ko na si Julie at sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko.

"Bat nakasimangot ka dyan dalandan?" nakangiting tanong nya sakin.

"Wala, may iniisip lang ako"

"At ano po yang iniisip mo?" tanong pa nya sabay kagat sa lower lip nya para pigilin yung ngiti nya.

Bigla naman akong napatingin sa mga labi nya. Ugh! Inaakit ba ko ng babaeng to? O sadyang green minded lang talaga ko? C'mon Dani, kelan ka pa naging manyak?

Asus, ang tamang tanong dyan, kelan naman naging hindi ka manyak?

Tsk, naging ganito lang ako simula nang makasama ko ulit tong babaeng to eh.

"Hmmm, so natulala ka na dyan?" nakangiti nang sabi nito.

Nagkibit-balikat lang ako sa kanya pero nanatiling nakatitig pa rin sa lips nya.

"Tsk, hindi mo na sinagot yung tanong ko. Ano bang iniisip mo at masyado kang seryoso dyan?" tanong pa nya.

Ibinalik ko muna yung tingin ko sa mga mata nya bago nagsalita.

"Can I kiss you?"

Bigla naman syang namula at mukhang aatras pero agad ko syang pinigilan.

"At san ka pupunta?" nakangiting tanong ko sa kanya.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon