Chapter 9

29.3K 681 129
                                    

A/N: Surprise!! ayan ha, kahit andito ko sa Palawan, biglang may pumasok na update sa isip ko. Kahit ang sakit-sakit ng mga braso ko dahil sa pagsswimming kanina, nagtype pa rin ako, ayoko kasing naghihintay kayo eh, haha!

O sya, magpapahinga na muna ako, may pupuntahan pa kami ulit mamaya eh.

Enjoy Guys ^_^

Di ko rin pala inedit to ha, so kung may mga mali, pasabi na lang, thanks!

=====================================================================

DANIELLE'S POV:

"O, wag ka munang gumalaw" narinig kong sabi nung taong kasama ko sa kwarto.

At dahil matigas ang ulo ko, hindi ko sya pinakinggan, pinilit kong bumangon pero dahil sa sobrang sakit ng ulo ko, napahiga ulit ako.

"Tsk, sabi naman kasi sayo wag ka munang gumalaw, ang tigas naman ng ulo mo eh" inis na sabi nito.

Teka, sino ba tong kasama ko dito at bakit nya ko inuutusan? C'mon Danielle, pilitin mong imulat yung mga mata mo.

Kinusot-kusot ko yung mga mata ko nang makita yung tao sa harap ko. Huh? Panaginip ba to? Anong ginagawa nya dito?

"Maglalasing-lasing ka dyan tapos hindi mo naman pala kaya! Buti na lang inihatid ako ni JR dito kagabi" umiling-iling pang sabi nya.

So totoo nga to! Sya nga yung nasa harap ko! Nampucha naman JR o, alam mo namang ayoko munang makita tong babaeng to tapos dinala-dala mo pa dito. Tsk!

"O gumising na ko diba? Makakaalis ka na!" malamig na sabi ko dito.

"Ayoko nga!"

"Hoy babae! Hindi kita kailangan dito kaya pwede ba alis na! Tsupi!" pagtataboy ko sa kanya.

"Hindi nga ako aalis and it's final!" sagot naman nya.

"Hoy! Assistant lang kita kaya wala kang karapatang sumuway s autos ko!"

"Assistant, assistant, mahal mo naman" pabulong na sabi nito pero narinig ko rin naman.

Biglang nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. OMG! Don't tell me may sinabi ako nung nalasing ako kagabi! Shet shet shet! Wag naman sana. Please please please no!

"Anong pinagsasasabi mo dyan?!" mataray na tanong ko sa kanya para mabawasan yung kaba at kahihiyang nararamdaman ko ngayon.

"Wala, ang sabi ko inumin mo na tong gamot na binili ko para mawala na yang hangover mo." Nakangiting sagot nito.

Agad ko namang inabot yung gamot dahil sobrang sakit na talaga ng ulo ko. Lecheng alak kasi yan eh! Kasalanan nya kung bakit sumakit yung ulo ko!

"May nasabi ba ko kagabi?" tanong ko sa kanya matapos inumin yung gamot na inabot nya.

Bigla naman syang namulat at iniwas yung tingin sakin.

"Ano kase, sabi mo----"

"Kung anuman yung nasabi ko, kalimutan mo na lang. Di ako seryoso don, lasing lang ako kaya ko nasabi yon."

Nakita kong lumungkot yung ekspresyon ng mukha nya pero agad ding napalitan ng ngiti.

"Mas naniniwala kasi ako na totoo yung nasasabi ng isang tao pag lasing sya eh"

"Pwes, ibahin mo ko!"

"Ayoko, basta kung anuman yung nasabi mo, hindi mo na pwedeng bawiin yon!" nakangiti pa rin nyang sabi.

"Bahala ka sa buhay mo! Basta hindi ako seryoso kung anuman yon!"

"OWKAYYYY, sabi mo eh"

Naiiling na tiningnan ko naman sya.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon