Chapter 5

35.4K 709 181
                                    

A/N: Goodmorning guys! Eto na po yung update ko. Kahapon ko pa to tntype eh kaso hindi ko natapos kase distracted ako dun sa isang bisita ni parrot, hahaha! 

=========================================================================

JULIE’S POV:

“Hoy ang takaw mo naman, pangatlo mo na yan ah!” naiiling na sabi ko.

Pano ba naman, nakakatatlong order na yata sya nung ice cream dito. At kung makakain si Ate,  akala mo ilang taong hindi nakakain ng ice cream.

“Masarap eh” parang batang sabi nito.

“Mukha ngang sarap na sarap ka. Ayan o, may amos ka pa. Ang baboy mo kasing kumain.” Sabay abot ko ng tissue sa kanya.

Akala ko aabutin nya yung tissue pero bigla syang nagsalita.

“Ikaw nakakita diba? Eh di ikaw yung magpunas.”

Agad ko naman syang tinaasan ng kilay.

“Anong sabi mo?”

“Bingi ka ba? Ang sabi ko, punasan mo”

“At bakit ko naman gagawin yon?”

“Dahil SLAVE kita” nakangiting sabi nya.

“Slave mo mukha mo!” mataray na sabi ko sa kanya.

“Bilis na, pinagtitinginan na ko ng mga tao, punasan mo na kase” parang batang sabi nya.

Naiiling na sinunod ko na lang yung gusto nya. Napangiti naman sya sa ginawa ko.

“Ok na po ba mahal na prinsesa?”

“Nah, hindi naman kasi dapat ganun yung ginawa mo eh”

Takang tumingin ako sa kanya.

“Dapat, yung lips mo yung pinanlinis mo nung amos ko” at ginamit na naman po  nya yung mapang-akit nyang boses.

Bigla namang nanlaki yung mata ko sa sinabi nya at iginala yung tingin ko sa paligid. Baka kasi may nakarinig sa sinabi ng halimaw na to eh.

Nagulat ako nang makita ko si RJ na nandito din sa ice cream shop at kasama yung courtside reporter ng Shakey’s V-League. In fairness ang sweet nilang dalawa ha. Bigla akong napatingin kay Danielle. Nakita kong nakatingin din sya dito pero hindi ko nakita yung selos na nakita ko sa mata nya kanina. Parang natutuwa pa nga sya na may ibang babaeng kasama si RJ.

Ang lapad ng ngiti nya habang kumakain ng ice cream.

“Psst” tawag ko sa kanya.

“Hindi psst yung pangalan ko”

“Halimaw”

Inirapan naman nya ko.

“Dalandan?”

“Tse!”

“May itatanong lang kasi ako”

“Ano?”

“Hindi ka ba nagseselos don?” sabay nguso ko kay RJ and Celina.

Tumingin lang sya saglit sa dalawa pagkatapos ay ibinalik yung tingin sakin.

“Bat naman ako magseselos?”

“Eh bat kanina?”

“Bat kanina ano?”

“Ang sama ng tingin mo sakin nung kausap ko si RJ”

“Eh kasi nga nagseselos ako”

“Kaya nga, nagseselos ka sakin kanina diba? Kaya halos ibato mo sakin yung bola na hawak mo”

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon