Chapter 18

24.9K 559 29
                                    

A/N: O eto na, wala lang, naisip ko lang tong update na to dahil sa kaduwagan ko, commercial muna tayo, hahaha!

Dedicated pala to kay alexisk0w18 ^_^

Di ko ulit inedit, sorry kung may mali.

=========================================================================

DANIELLE'S POV:

"Eh ayoko, natatakot ako!" sabi sakin ni Julie nung sinabi ko sa kanya kung anong gusto kong gawin nya ngayon.

"Ang arte mo naman Jules! Madali lang naman yung pinapagawa ko eh!"

"Ayoko nga kase, iba na lang yung ipagawa mo!" reklamo nya.

"Hoy wag kang magreklamo, natalo ka sa pustahan diba? LAHAT ng iuutos ko dapat susundin mo!"

"Ngayon na bang gabi yung start non?"

"Ahuh, so mula ngayon, 'slave' na kita, susunod ka sa kahit anong gusto ko" bulong ko sa kanya.

Napapikit naman sya sa ginawa ko kaya mas lalo akong napangiti. Ang cute-cute talaga nitong girlfriend ko pag naseseduce.

"P-pero natatakot nga ako."

"First time mo ba?" sabi ko habang hinahagod yung buhok nya.

"H-hindi naman kaya lang—"

"Kaya lang ano?" sabi ko sa habang inilalapit yung mukha ko sa kanya.

"Dani" daing nya nang halikan ko sya sa labi.

"Yes?"

"Stop!"

"Ayan na naman tayo sa ganyang usapan. Gusto mo bang tumigil ako?"

"Oo, please!"

"Eh di sige, sundin mo na yung gusto ko, uhaw na uhaw na ko" sabi ko pa habang naglalakbay yung mga labi ko sa labi nya papunta sa leeg nya.

"P-pero—"

"Please Jules."

"Madilim kase"

"Gusto mo bang buksan ko yung ilaw?"

Tumango naman sya sakin. Agad ko naman syang sinunod.

"Ok na?" tanong ko sa kanya.

"Yeah, natatakot pa rin ako dahil medyo madilim pa rin dito sa labas pero fine! Ikukuha na kita ng tubig sa ref!"

"Susunod ka rin naman pala, mas gusto mo pang sineseduce ka eh!"

"Heh tigilan mo ko! Kukuha lang kasi ng tubig kinakatamaran mo pa!" inis na sabi nya sabay labas ng kwarto.

Pero ilang seconds pa lang yung lumilipas ay bumalik na agad sya sa loob ng kwarto.

"O nasan na yung tubig?"

"Eh natatakot nga kase ko eh, samahan mo na lang ako!" halos paiyak pa na sabi nya.

Tsk, basa kasi ng basa ng nakakatakot na stories eh duwag naman pala.

"Jules, kung sasamahan kita, eh di parang hindi mo na rin sinunod yung utos ko!"

"Dani naman eh, baka kasi biglang may sumabay sakin na maglakad tulad nung sa nabasa ko!"

"Sino ba kasing may sabi sayo na magbasa ka non?"

"Eh, malay ko ba naman na sobrang nakakatakot pala yon? Di ko na nga tinapos eh.Kaya sige na, samahan mo na ko, promise, ako pa rin yung kukuha ng tubig mo. Please please please"

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon